Facebook

Bebot timbog sa P3m ecstasy

NAGKAKAHALAGA ng P3 million ecstacy tablet ang nasamsam sa pagkakadakip sa 52-anyos na ginang nang kuhanin nito ang padalang package sa isinagawang operasyon sa Baguio City, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nadakip na si Elisa Aguirre ng 26 AB Sitio Mabilog, New Era, Quezon City.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkin M. Villanueva, 12:30 ng tanghali nang isagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga elemento ng NAIA-IADITG, PDEA CAR LTIU, PDEA Baguio City Office sa harapan ng Bristle Ridge Condominium sa Ambuclao Road, Brgy Gibraltar, Baguio City

Inaresto si Millare nang kuhanin nito ang mga padalang package na idineklarang mga “bed sheet at shoes” na galing Neuss Germany at naka-consigned sa isang Joyce Annsan Antono ng Rm. 101 Brisle Ridge Residences, Pacdal Road, Baguio City 2600, Benguet, Philippines .

Nasamsam ang 1,783 tablets ng ecstacy na nagkakahalaga ng P3,031,100, 2, bed sheet, 1 pares ng sapatos, 4 improvised pouches na naglalaman ng iba’t bat kulay na tablets, 1 authorization letter, at 2 photocopy ng consignee ID sa pangalang Joyce Ann Jores San Antonio. (Mark Obleada)

The post Bebot timbog sa P3m ecstasy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bebot timbog sa P3m ecstasy Bebot timbog sa P3m ecstasy Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.