IPINATIGIL ni Major General Vicente Danao Jr. ang mga iligal na sugal sa Lungsod ng Caloocan at Lungsod ng Valenzuela.
Ang ibig sabihin nito, wala na ang jueteng na nagtatago sa ligal na palaro/pasugal ng Peryahan ng Bayan (PnB) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Iyan ang impormasyong nakarating sa akin, banggit ng isang kakilala na itago natin sa pangalang “Roy”.
Sabi ni Roy, galit daw si Danao sa akin dahil panay ang bira ng BIGWAS! sa kanya, samantalang ‘inayos’ na raw ako.
Pokaragat na ‘yan!
Idiniin ko kay Roy na hindi totoo ‘yan.
Walang kumontak sa akin upang sabihing ayos na – at hindi isyu ang ayos.
Idiniin ko rin kay Roy na trabaho lang ang banat sa anumang hindi inaaksyonan ni Danao.
Kung nagagalit si Danao sa inilabas kong impormasyon na hindi siguradong siya ang papalit kay General Guillermo Lorenzo Eleazar kapag natapos na ang huli sa kanyang pagiging hepe ng Philippine National Police (PNP) dahil mayroong ipupuwesto na ‘bata’ ni Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio ay dapat hindi siya nagagalit.
Walang magagawa si Danao kung hindi na siya ‘mabango’ kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Wala rin siyang magagawa kung pati ang anak ni Duterte ay ayaw sa kanya.
Ang papalit daw kay Eleazar ay heneral na ‘pogi’ na Batch 1989 ng Philippine Military Academy (PMA), ayon sa tatlong sources.
Pokaragat na ‘yan!
Ibig sabihin lalampasan ang Batch 1988?
Si Eleazar ay Batch 1987.
Labas sa papalit kay Eleazar, nararapat lamang kumilos nang kumilos at gampanan ni Danao ang kanyang gawain, tungkulin at obligasyon bilang hepe ng National Capital Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa lahat ng porma ng iligal at bawal sa batas tulad ng jueteng at iligal na droga.
Kung tapat si Danao sa patakaran ng PNP, sibakin niya ang chief of police (COP) ng Lungsod ng Caloocan at Lungsod ng Valenzuela dahil hindi nila napatigil ang jueteng na nagtago sa PnB .
Matapos makahuli ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng ilang taong sangkot sa iligal na sugal sa Caloocan at Valenzuela ilang araw na ang nbakalipas ay nagpatuloy pa rin ang jueteng sa dalawang lungsod.
Pokaragat na ‘yan!
Ang gamit na PnB ay isa hanggang 40 ang numerong pagpipilian ng mga mananaya tatlong beses kada araw.
Natural na mahirap manalo rito dahil 40 ang mga numerong pagpipilian ng mga mananaya upang tamang ang kumbinasyon ng dalawang numero.
Ang ligal na PnB ay 36 na numero lamang.
Pagkatapos ng operasyon ng NBI, ipinatigil ni Mayor Oscar Malapitan ang 1-40 PnP ni alyas “Renel” at iba pang iligal na sugal niya at ninaa alyas “Tisay” at alyas “Boyong” tulad ng bookies ng “EZ2” at bookies ng “lotteng”dahil sa sobrang buwisit umano ng alkalde kay alyas Renel.
Sobrang yabang na raw kasi itong si alyas Renel nang makadikit kay alyas “Reyna” o alyas “Tita”.
Sa kabilang bansa, nagpatuloy ang iligal na sugal sa Valenzuela City.
Bumalik ang 1-40 PnB, EZ2 bookies at lotteng bookies sa Caloocan, ngunit nawala na sa eksena si alyas Renel.
Sa madaling salita, nagpatuloy ang lantaran at garapalang iligal na mga sugal sa Caloocan at Valenzuela.
Nakarating ito sa tanggapan ni Danao, kaya mayroon daw pinatanggal ito na mga hepe ng Police Community Precinct (PCP) sa Caloocan bilang patunay umano na tapat at seryoso ang NCRPO laban sa iligal na sugal.
Pokaragat na ‘yan!.
Upang maniwala at magtiwala ang mga residente ng Caloocan at Valenzuela sa PNP ay tanggalin ni Major General Danao ang mga COP ng Caloocan at Valenzuela dahil ipinapakita at pinatutunayan ng mga pangyayari na palpak ang mga ito laban sa iligal na sugal.
Iyong mga opisyal na mataas ang katungkulan dapat ang pinarurusahan ni Danao, hindi lang ang mga hepe ng PCP.
The post Tanggalin ni Danao ang mga cop ng Caloocan at Valenzuela appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: