Facebook

Covid-19 vaccination program, nasabotahe nga ba?

Ipinag-utos na ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon hinggil sa umano’y pananabotahe sa programang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito’y ginagawa umano sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news sa ilang bahagi ng Metro Manila

Nabatid na nagdulot ito ng pagkukumahog at pagdagsa ng mga tao sa mga COVID-19 vaccination center dahil sa pagpapakalat ng mga mali at malisyosong impormasyon partikular na sa social media at text messages.

Halimbawa sa mga ito ay ang “Walang Bakuna, Walang Ayuda”, bawal lumabas o “Walang Bakuna, Walang Quarantine Pass” habang nasa ilalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Eleazar, kanilang inaalam ang pagkakakilanlan ng pinagmulan ng maling impormasyon na umiimot sa social media at text messages.

Binigyang diin ng hepe ng pambansang pulisya na walang utos na pigilan ang mga hindi pa bakunado na lumabas ng kanilang mga tahanan

Dagdag pa ni Eleazar na tiniyak umano mismo ni DILG Secretary Eduardo Año na tanging ang kwalipikadong benepisyaryo lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan, bakunado man o hindi.
Muli ring ipinaalala ng PNP Chief sa publiko na huwag basta-bastang maniniwala sa mga kumakalat na impormasyon at maaari rin naman magtanong sa mga Local Government Unit (LGU) at mga ahensya kung saan pwedeng makinig, manood at magbasa ng balita sa TV, dyaryo at radyo para malaman ang totoo.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Covid-19 vaccination program, nasabotahe nga ba? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid-19 vaccination program, nasabotahe nga ba? Covid-19 vaccination program, nasabotahe nga ba? Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.