Facebook

17 days nalang filing na ng CoC; at ang ‘KKK’ ni Ping

LABINGPITONG ARAW (17) nalang magsusumite na ng kandidatura ang mga kakasa sa 2022 local/national elections.

Para sa mga bago o ngayon palang papasok sa politika, ito ang requirements sa pag-fillup ng Certificate of Candidacy (CoC): Passport size ID (2×2), kumpletong address, pirma ng aspirant, notaryado na dapat pirmado ng notary public, documentary stamp, kumpleto ang fill-up sa CoC sa harap at likod. Gawin nyo ito para mapabilis ang filing at hindi na pabalik-balik. Okey?

***

SA mga batang henerasyon, malamang ay hindi nila alam na ang orihinal na ibig sabihin ng KKK ay Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na binuo ng matatapang na Pinoy para labanan ang pana-nakop ng mga Kastila.

Ang KKK ay naging bahagi ng kasaysayan ng bansa bilang simbulo ng katapangan at hanggang sa bago mamayagpag ang internet sa mga Pinoy ay tumatak sa isipan ng mga kabataan dahil hindi nakakalimutang ituro sa kanila sa subject na Araling Panlipunan (Social Studies) sa mga paaralan.

Ngayon ang tawag sa publiko ay netizens na, muling nabuhay ang KKK sa pamamagitan ni Ping Lacson, KKK na baon niya sa pag-alok na pamunuan ang bansa sa pa-mamagitan ng kandidatura sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Kakayahan, Katapatan at Katapangan. ‘Yan ang bagong KKK na puhunan ni Ping sa deklarasyon niya ng pagtakbo sa Presidential Election 2022.

Binanggit nga ni Ping sa kanyang pagsasalita na baon sa utang ang bansa; marami ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang maraming negosyo; nadagdagan ang bilang ng mahihirap; lalo pang dumami ang mga kumakalam ang sikmura; talamak ang korapsyon; laganap parin ang iligal na droga; unti-unti, nawawala ang ilang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea.

At ang mga ito ay ilan nga lamang sa malalaking problemang nagdudulot ng kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino.

Ang situwasyong ito ay nagpapakita rin na indi biro-biro ang mga pagsubok na haharapin ng susunod na administrasyon.

At dito na nga pumapasokang sapat na Kakayahan, Katapatan, at Katapangan upang pamunuan sa tulong ng kanyang tandem na si “Tito Sen” ang ating bansa at upang tayo ay makabangon buhat sa malubhang pagkakalupasay.

Malaking hamon ang pinasok ni Ping pero ang kailangan kasi ngayon ay maibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno, sa harap narin ng mga nadidiskubring nakawan sa kaban ng bayan, ngayon pa mandin na panahon ng pandemya na ang bilyon bil-yong piso pa ang sangkot.

At paano maibabalik ang tiwala ng tao sa gobyerno?

Simple lang ang sagot. Kakayahan, Katapatan at Katapangan (KKK) na dala-dala ni Ping Lacson. Mismo!

***

Nagtataka ako kung paano naging economic adviser ni Pangulong Rody Duterte ang Chinese national na si Michael Yang, ang utak ng P9-billion overpriced facemasks/faceshields, eh hindi pala ito marunong mag-English at mag-Tagalog, tulad ng napanood natin sa Senate hearing na gumamit ito ng interpreter.

Pero sa mga old photo nina Duterte at Yang tila nag-uusap sila, surely in English.

Si Yang, sabi ni Duterte, ay 20 years nang nagnenegosyo sa Pilipinas partikular sa Davao City, dapat marunong na siya mag-Tagalog lalo mag-English, right?

Si Pangulong Duterte kasi ang hilig magdepensa sa mga iniimbestigahan sa korapsyon. You know!!!

The post 17 days nalang filing na ng CoC; at ang ‘KKK’ ni Ping appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
17 days nalang filing na ng CoC; at ang ‘KKK’ ni Ping 17 days nalang filing na ng CoC; at ang ‘KKK’ ni Ping Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.