APAT na miyembro ng New People Army (NPA) kabilang ang 2 menor de edad ang nadakip ng militar sa engkwentro sa Valencia City.
Kinilala ang 2 sa mga nadakip na sina Romeo Campilan alias June, at Angelyn Naingue alias Inday, at 2 minor na alias RK, 15; at Jason, 17.
Ayon kay Lt. General Greg T. Almdro, kumander ng Eastern Mindanao Command, ang engkwentro ay naganap sa pagitan ng mga elemento ng 88th Infantry Battalion at 10 rebelde mula sa Platoon Bagsik, Guerrilla Front Malayag, Sub-Regional Committee-2, North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na pinamumumuan ng isang alias DR sa Purok 10, So. Narulang, Barangay Laligan, Valencia City.
Naglunsad ng operasyon ang militar base sa mga impormasyon kaugnay ng pangingkil at pagre-recruit ng mga rebelde.
Nagpapatrulya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nangyari ang bakbakan. Tumagal ang engkwentro ng 30 minuto, nagresulta ng pagkakadakip sag 4 rebelde, habang tumakas sa iba’t ibang direksyon ang mga kasamahan nito.
Nasamsam ng mga sundalo sa mga rebelde ang M16 rifle, 3 AR15 rifle. (Mark Obleada)
The post 4 rebelde kabilang 2 minor timbog sa engkwentro appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: