Facebook

400 doses ng Covid-19 vaccines nilamon ng apoy

NADAMAY ang daan-daang bakuna kontra Covid-19 at mga bakuna para sa bata sa sunog sa municipal health office sa San Nicolas, Ilocos Norte, Biyernes ng gabi, Sept. 10.

Sa impormasyong inilabas ng municipal health department ng naturang bayan, aabot sa 400 doses ng Covid-19 vaccine mula sa AstraZeneca at Sinovac ang nadamay sa sunog.

Nagsimula sa ikalawang palapag ng health office ang sunog kungsaan matatagpuan ang bodega ng medical supplies.

“‘Yung isang medical refrigerator na nasa storage room, nag-malfunction ang compressor nito na posibleng pinagmulan ng sunog,” sinabi ni Insp. Reynold Aguinaldo, fire marshal ng Bureau of Fire Protection – San Nicolas.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyaring sunog.

The post 400 doses ng Covid-19 vaccines nilamon ng apoy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
400 doses ng Covid-19 vaccines nilamon ng apoy 400 doses ng Covid-19 vaccines nilamon ng apoy Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.