SA gitna ng manaka-nakang pag-ulan dulot ng super typhoon Kiko, isang sunog ang sumiklab sa barangay sa Makati City nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 2:00 ng madaling araw nang bigla na lang magliyab ang isang bahay sa Milagros Street, Barangay Valenzuela, Makati City. Naabo ang kisame ng bahay maging ang ilan pang bahagi nito.
Sa paglaki ng apoy, gumapang ito at nadamay ang katabing bahay na natupok din ang kisame at ilan pang bahagi.
Tumagal ng halos 2 oras ang sunog at umabot sa ikalawang alarma bago naapula ng 4:00 ng madaling araw.
Inaaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala. (Gaynor Bonilla)
The post Sunog sumiklab sa Makati habang binabayo ni Kiko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: