LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ngayon ng kanilang lola ang 2-anyos at 4-anyos na mga bata matapos i-hostage ng kanilang ina sa Sitio La Medalla, Barangay Bonbon, Libon, Albay nitong Huwebes.
Ayon kay Police Chief Master Sergeant (PCMS) Daisy Segarra, head ng Women and Children Protection District (WCPD) ng Libon, bago pa man nagkaroon ng nasabing insidente, nagtalo muna ang mag-asawa hanggang sa nauwi sa pangho-hostage ng ina sa dalawa nitong anak.
Dahil dito humingi ng saklolo ang biktima sa barangay officials at mga pulis.
Hindi kaagad makuha-kuha ng mga pulis ang mga biktima dahil sa may hawak na patalim ang ina.
Nagkaroon ng negosasyon o pakikipag-usap ang mga pulis at ina ng mga bata. Umabot sa humigi- kumulang sa tatlong oras bago nabawi ang mga biktima.
Napag-alaman na ang 26-anyos na ina ay mayroong deperensya sa pag-iisip at sinasabing dumaan din ito sa depresyon.
The post 2 paslit hinostage ni Mommy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: