Facebook

‘Protektado’ ang mga korap kay Martires

PAMBIHIRA itong si Ombudsman Samuel Martires. Imbes bigyan niya ng babala ang mga korap sa gobyerno ay tila nagsisilbi pa siyang protektor ng mga tiwali sa pamahalaan.

Oo! Mantakin mong sabihin niyang hindi niya paiim-bestigahan ang mga katiwaliang natuklasan ng Commission on Audit (CoA) sa mga ahensiya ng pamahalaan partikular Department of Health (DoH).

Sa halip ay binigyan niya pa ng rason at ideya ang mga kulimbat: “On the aspect of combatting corruption in the country, I think it will take us a lifetime to fight corruption unless and until we change our values. Unless and untill we disregard the sources of corruption, which is greed, envy, lust, avarice, these are all the seven cardinal sins,” sabi ni Martires noong Sept. 9, 2021.

Umusok ang beteranong kolumnistang si Ramon Tulfo sa tinurang ito ni Martires.

“Hindot ka! Bakit mo pa tinanggap ang puesto ng Ombudsman, ‘di mo naman pala magagampanan ang trabaho. Gago! You sound more like a preacher than magistrate,” ngitngit ni Tulfo.

Sa matagal nang isyu ng hindi paglalantad sa publiko ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Pangulong Rody Duterte, mariin niyang binigyan ng katuwiran kung bakit hindi dapat isapubliko ang SALN ng Pangulo.

Binanggit ni Martires, retired Associate Justice ng Supreme Court, ang Republic Act 6713, na ang sinoman magkomento sa publiko sa kanino mang SALN ay maa-ring makulong ng hindi bababa sa 5 taon.

Pinapayagan aniyang i-publish ang SALN, pero “making any comment” ay hindi puwede.

Naaalala ko pa… si Martires ay isa sa mga bomoto laban kay impeached Chief Justice Ma. Lourdes Sereno dahil sa hindi nito pagsumite ng kumpletong SALN sa gobyerno bago natalagang Korte Suprema.

Ang isa pang Supreme Court Chief Justice na na-impeach dahil sa SALN ay si late Renato Corona.

Si Duterte lamang ang tanging Presidente ng bansa na hindi nagpakita ng SALN sa publiko simula 2016.

Si Duterte ang nagtalaga kay Martires para Ombudsman kapalit ng nagretirong palabang si Conchita Morales-Carpio.

Ang Office of the Ombudsman ang may hawak ng SALN ng Presidente, Bise Presidente at iba pang impeachable officials.

Kung tanungin naman ang Malakanyang tungkol sa SALN ni Pangulong Duterte, ituturo lang ni Sec. Harry Roque ang Ombudsman. Boom!

***

Nanggalaite ang mga duktor nang marinig ang leak video ng pang-aaway sa kanila ni Sec. Roque.

Ang video ay kuha sa isang IATF meeting kungsaan nagkakasagutan ang mga duktor tungkol sa problema ng medical frontliners against Covid-19.

“If Secretary Roque can do this to us doctors, what more for other people?” sabi ni Dr. Maricar Limpin.

Kaagad namang nag-sorry si Roque. Nadala lang daw siya ng emosyon.

Si Roque ay isa sa mga kandidatong Senador ng PDP-Laban-Cusi faction.

Maging ang mga nurse ay sobrang buwisit na kay Roque.

Kaya tiyak na sa inidoro ang diretso ni Roque kapag tumuloy pa siya sa kanyang kandidatura. Mismo!

The post ‘Protektado’ ang mga korap kay Martires appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Protektado’ ang mga korap kay Martires ‘Protektado’ ang mga korap kay Martires Reviewed by misfitgympal on Setyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.