ANG mga ipinatutupad na hakbang ng kabisera ng bansa kontra iligal na droga ay labis na pinapurihan ng Department of Interior and Local Government – National Capital Region (DILG-NCR).
Sa isang liham pagbati, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na pinuri ng DILG ang Manila Anti-Drug Council (MADAC) sa mga nagawa nito.
Ang Lungsod ng Maynila ay lumahok sa 2021 Anti-Drug Council (ADAC) Performance Audit sa ilalim ng Highly Urbanized City (HUC) category. Ang audit ay nakatuon sa performance ng MADAC noong 2020.
Sa nasabing audit ay nakuha ng Maynila ang markang 85 dahil sa mga hakbang nito kontra iligal na droga. Sinabi pa sa audit na ang MADAC ay “highly functional.”
Sinulat ni DILG-NCR regional director Maria Lourdes L. Agustin na : “The ADAC Regional Audit Team (ART) commends the MADAC for its accomplishments in introducing new ideas or innovation which added value in the implementation of the anti-illegal drugs programs.”
Kalakip ng liham ni Agustin ay ang kopya ng pirmadong ADAC-Functionality Monitoring System (FMS) Generated Report. Sinabi pa ni Agustin na ang resulta ay pormal na inindorso sa ADAC National Audit Team (ANT) para sa balidasyon.
Pinuri din ang Lungsod ng Maynila dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa drug users’ rehabilitation programs.
‘We thank the DILG-NCR for this recognition. We did everything humanly possible to keep our city drug-free while maintaining respect for basic human rights,” sabi ni Moreno.
Tiniyak ni Moreno na ang polisiya ng paggalang sa karapatang pantao ay magpapatuloy dahil napatunayan na ito ay epektibo. (ANDI GARCIA)
The post Anti-illegal drug campaign ng Maynila, pinuri ng DILG-NCR appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: