CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 31 Barangay sa Pikit Cotabato ang lubog sa baha dulot ng pag-apaw ng Pulangi River.
Ito ang kinomperma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Pikit) Officer Tahira Kalantongan.
Wala namang lumikas sa baha dahil sanay na ang mga residente tuwing tag-ulan na umaapaw ang Pulangi river at Liguasan Marsh.
Patuloy naman ang monitoring ng MDRRMO sa mga home-based families na apektado ng pagbaha.
Umaabot na sa 21,000 pamilya ang apekto ng baha at wala namang naiulat na nasawi.
Nakaantabay ngayon ang MDRRMO Rescuers 24/7 kung sakaling lumala ang sitwasyon o tataas pa ang lebel ng baha.
Nakapaghatid na ng inisyal na tulong ang LGU-Pikit sa pamumuno ni Mayor Sumulong Sultan sa mga bihahang pamilya.
Samantala, patuloy naman ngayon ang monitoring ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa agricultural crops na sinira ng baha.
The post 31 Barangay sa Pikit Cotabato lubog sa baha appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: