Dalawang traffic enforcer ang sinibak ng pamunuan ng Manla Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang mag-viral sa pamgongotong sa mga motorista sa Maynila.
Sinibak sa tungkulin sina Gio Allan Paul Javier at Arnold Cruz nang masangkot sa iregularidad sa kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas trapiko sa lansangan.
“In the interest of the service, your service as Job Order in this office is hereby terminated for committing irregularities in the performance of your duty,” nakasaad sa nilagdaang memorandum ni MTPB Director Dennis Viaje .
Maliban sa pagkakasibak, inatasan din ang nasibak na traffic enforcer na ibalik ang mga inisyu sa kanila na OVR (official violation receipt), ID at uniporme kay MTPB Chief of Operation Wilson Chan Sr.
Sa imbestigasyon, naganap sa Laon-Laan at sa kahabaan ng Dimasalang na sakop ng Sampaloc sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, agad na tinanggal ang mga nasabing traffic enforcer dahil sa umiiral na “one strike policy” ng MTPB.
Pinasalamatan naman ni Domagoso ang netizen na nag-report sa pangongotong na ginagawa ng mga nasabing traffic enforcer.(Jocelyn Domenden)
The post 2 ‘kotong enforcer’ sa Maynila, sinibak appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: