Facebook

Emil Sumangil, may bagong show sa GTV!

Ni ROMMEL GONZALES

BONGGA naman ng GMA senior reporter na si Emil Sumangil dahil may bago siyang programa na mapapanood sa GTV very soon.
Halos dalawang dekada na rin sa industriya at beterano na sa field reporting si Emil. Naging anchor din siya dati ng isang afternoon newscast.
“Dapat Alam Mo!” ang title ng kanyang show at base sa teaser, isang news magazine ito so malamang hindi lang balita ang ihahain ni Emil para sa viewers ng GTV.
Ilan lang sa mga parangal na naibigay kay Emil ang “Best Field Reporter” sa 2018 U.P. Gandingan Awards. Kinilala rin siya bilang “Outstanding TV News Reporter” ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) noong 2014.
***
GMA at Regal, maraming nilulutong proyekto!
Opisyal nang nagkapirmahan kahapon ang dalawa sa mga bigating pangalan sa TV at film industry – ang GMA Network at Regal Entertainment – para sa mga pasabog na proyektong handog sa loyal Kapuso viewers.
Bukod sa mga bossing ng GMA at Regal, naging star-studded din ang signing ceremony na dinaluhan ng ilang Kapuso stars na bibida sa unang tatlong episodes ng tinuturing na biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’! Super excited sina Sanya Lopez, Ken Chan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Sofia Pablo, Allen Ansay, at Sandro Muhlach na mapabilang sa kaabang-abang na partnership na ito na magsisimula na ngayong Sabado, September 11.
Kasama rin sa mga dapat na abangan ng viewers ang pag-ere ng hit BL series na ‘Ben x Jim’ sa digital channel na Heart of Asia sa darating na September 26! Balita pa namin, may mga pelikulang tatak-Regal ang mapapanood din sa iba’t ibang channels ng GMA.
Siguradong all-out entertainment ang naghihintay sa Filipino audience ngayong nagsanib-puwersa na ang GMA at Regal. Tutok lang, mga Kapuso.
***
Kelvin Miranda, gaganap na pasaway na iskolar sa #MPK
Muling patutunayan ni Kapuso actor Kelvin Miranda ang kanyang husay sa pag-arte sa fresh episode ng award-winning anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, September 11.
Bibigyang-buhay ni Kelvin ang kwento ni Kim, isang matalino subalit pasaway na iskolar na gagawin ang lahat mai-ahon lang sa kahirapan ang kanyang pamilya. Makakasama rin sa episode sina Rita Avila bilang Nanay Cecilia, Prince Clemente bilang Jun, at Sophia Senoron bilang Marian.
Kahit na pasaway at puno ng kalokohan, naniniwala si Kim na tanging edukasyon lang ang makakatulong sa kanya upang masuportahan ang pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kung kaya naman kung anu-anong trabaho ang pinasok ni Kim matapos ang high school. Naniniwala rin ang kanyang Nanay Cecilia na mas mabuti na magtrabaho siya sa halip na mag-kolehiyo, bagay na sinasang-ayunan ng kanyang kapatid na si Jun.
Imbes na panghinaan ng loob, nagsumikap si Kim na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya.
Abangan ang nakaka-inspire na kwento ni Kim sa fresh episode ng #MPK na pinamagatang ‘Pasaway na Iskolar’ ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7.
***
Kiray at Divine, na-fall na kay Chef Jose Sarasola?!
Ngayong Sabado (September 11), tila tuluyan nang mahuhumaling sina Fiona (Kiray Celis) at Margaret (Divine Aucina) kay Aki (Chef Jose Sarasola) sa second part ng Maid 4 U episode ng Tadhana!
Habang nagpapanggap ang mag-pinsang si Fiona at Margaret, tila nahulog na rin ang kanilang loob para kay Aki, kaya lahat ay ginagawa nila para mapansin ng binata, kasama na ang pagpunta sa ballroom party.
Sobrang nag-enjoy nga raw sina Kiray at Divine sa taping ng Tadhana episode na ito at somehow ay nakaka-relate sila sa kanilang characters.
“Yung mga pinsan natin sila ang una nating best friend,” ani Divine sa kanilang Facebook live sa Tadhana Facebook page noong nakaraang Sabado.
“Korek. Lalayo ka pa ba? Trustworthy talaga ang kamag-anak at sila ang kasama mo mula pagkabata. Meron akong mga cousin na sobrang close ko at talagang kalaro ko noon,” pag-sang ayon naman ni Kiray.
Marami pa nga ang dapat abangan sa second part ng kanilang episode. Bigla kasi silang makikita ng business partner ng kanilang amo habang nakiki-party kay Aki. Ano kaya ang kahahantungan nito?
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Part 2 ng Tadhana: Maid 4 U, ngayong Sabado, September 11, 3:15 p.m., sa GMA-7.

The post Emil Sumangil, may bagong show sa GTV! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Emil Sumangil, may bagong show sa GTV! Emil Sumangil, may bagong show sa GTV! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.