DINAKIP ang isang babaeng band vocalist at lima pang katropa sa buy-bust operation sa Malabon City, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Christine De Silva alyas ‘Tin-Tin’, 26 anyos, band vocalist; at Jose Gacias, 35.
Sa rekord ng pulisya, ‘newly listed drug pushers’ ang dalawa.
Kinasuhan sina De Silva at Gacias ng pagtutulak ng droga, kungsaan walang piyansang inirekomenda ang piskalya.
Kinasuhan naman ng illegal possession of dangerous drugs ang mga kasamahan nila na sina Anna Rocel Espenida, 34; Jasper Escallana, 20; Michael Martin, 45, at Ferdinand Aquino. Maaari silang makapag-bail para sa kanilang pansamantalang paglaya.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon Police, 2:00 ng hapon, nagkasa ng buy-bust sa kahabaan ng Del Rosario St., Brgy. Dampalit ng siyudad. Nasamsam sa mga ito ang 16.80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P114,240.
The post Babaeng singer, 5 pa timbog sa ‘bato’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: