Facebook

Tsekwa huli sa ‘vaccine slot fixing’

TIMBOG ang isang Chinese national sa pangongolekta ng bayad para sa vaccination slots ng Covid-19.

Kinilala ni NBI Anti-Fraud and Action Division Chief Palmer Mallari ang dinakip na si Fen Qun Wang.

Sinasabing naniningil ng P8,000 si Wang sa mga dayuhan partikular sa Chinese nationals para sa slot ng bakuna.

Ayon sa NBI, isang babaeng Chinese ang nahingan ng pera ng suspek ngunit hindi naman ito naturokan ng Covid-19 vaccine.

Dahil dito, inalam ng biktima at natuklasan na ang inaalok sa kanyang slot ay peke nang mapag-alaman na ang pagbabakuna at proseso ng slot o reservation ay libre.

Nakuha ng NBI sa pag-iingat ni Wang ang mahigit 30 pangalan ng Chinese nationals at kanilang numero na pinaniniwalaang kliyente sa vaccination slots.

Kasalukuyan nang tinitignan ng NBI ang listahan at biniberipika kung nakakuha ng bakuna ang nasabing mga Chinese national.

Mariin namang itinanggi ni Wang na nangongolekta siya ng bayad.

Sasampahan ng kasong estafa, direct assault, disobedience, at resisting arrest nang pumalag si Wang habang inaaresto. (Jocelyn Domenden)

The post Tsekwa huli sa ‘vaccine slot fixing’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tsekwa huli sa ‘vaccine slot fixing’ Tsekwa huli sa ‘vaccine slot fixing’ Reviewed by misfitgympal on Setyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.