Facebook

Bagong Manila Zoo, magiging child, PWD at senior citizen friendly – Isko

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na magiging isang child, PWD (persons with disability) at senior citizens friendly-zoo ang bagong Manila Zoo sa muling pagbubukas nito.

Sinabi ni Moreno ang ang pamahalaang lungsod ay maglalagay ng golf carts sa loob ng zoo para magamit ng mga senior citizens at ng mga physically-challenged at ito ay walang bayad.

Sa pamamagitan ng carts, sinabi ni Moreno na ang mga PWDs ay makakapag-ikot at mae-enjoy ang mga atraksyon nang walang hirap.

Binigyang direktiba ni Moreno si Parks and Recreation Bureau chief Pio Morabe na ihanda na ang mga carts na may Safari design, dahil aniya may kahirapan sa iba na ikutin ang buong zoo dahil ito ay may sukat na 5.5-ektarya.

Si Moreno ay sinamahan ni Vice Mayor Honey Lacuna nang bisitahin ang ginagawang Manila Zoo at sinabing handa na itong magbukas sa publiko sa katapusan ng taon.

Ipinagmalaki ng alkalde na ang bagong Manila Zoo ay mayroong atraksyon na katulad ng makikita sa mga zoo sa ibang bansa.

Sinigurado ni Moreno na walang pinutol na puno habang ginagawa ang bagong Manila Zoo.

Sinabi ng alkalde na ang disenyo ay sinadya upang matiyak na ang maraming matatandang puno sa loob ng zoo ay hindi magalaw at manatili sa kanilang kinalalagyan.

Samantala ay inanunsyo ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ay tumatanggap na ng mga aplikante para sa Manila Government Internship Program (GIP) at sa Manila Special Program for the Employment of Students (SPES).

Ito ay kaugnay ng programa ng lungsod na tinawag na ‘Trabaho, Trabaho, Trabaho 2021’ na inilunsad nina Moreno, Lacuna at Public Employment Service Office chief Fernan Bermejo, upang mabigyan ng trabaho ang mga walang hanapbuhay na residente dahil sa pandemya.

Sinabi ni Bermejo na ito ay first come, first served basis para sa mga interesado.

Maaaring bumisita ang mga interesado sa mga sumusunod na links para sa kanilang online application pagkatapos ay maghintay ng tawag mula sa PESO Online Facilitators: Manila GIP Link:https://ift.tt/3tf2s90 and Manila SPES Link: Special Program of the Employment of Students (SPES). (ANDI GARCIA)

The post Bagong Manila Zoo, magiging child, PWD at senior citizen friendly – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bagong Manila Zoo, magiging child, PWD at senior citizen friendly – Isko Bagong Manila Zoo, magiging child, PWD at senior citizen friendly – Isko Reviewed by misfitgympal on Setyembre 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.