Facebook

Bea in-unfollow sa socmed ni Karla, dinamay sa alitang Daniel at Dominic; Ruffa inayunan ng netizens vs ReiNanay contestant

Ni JOVI LLOZA

SINANG-ayunan ng netizens si Ruffa Gutierrez sa mga komento nito sa isang kalahok sa ReiNanay.

Hurado kasi si Ruffa doon at tila akala ng kalahok na si Marilyn Lagsa ay inilaglag siya ng una.

Sinabihan pa nito na may isang judge na ‘di raw marunong na sa halagang limang libo ay inaakusahan na siya.

Hindi naman nito tinukoy kung sinong judge yun at dahil matatalino ang netizens ay nahulaan nilang si Ruffa ang pinatutungkulan nito.

Pero dedma lang si Ruffa at ayaw na patulan pa ang patutsada ni Marilyn.

May umaprub naman sa komento ni Ruffa at concern lang naman ito  sa nanay ng kalahok na matanda na inilagak niya ang kanyang anak ng mahigit sampung taon.

At paano nga mapapalapit ang loob ng mga bata sa inang kalahok kung iniwan niya ang kanyang mga anak sa kanyang nanay at ‘di pa nga raw ito nagsusustento.

Kaya naman umani ng batikos ang mudrakels na kalahok at inilampaso ito ng netizens sa socmed.

Walang nakita na masama ang netizens sa komento ni Ruffa at concern lang ito sa isang  lola na iniwanan ng anak ng isang kalahok sa ReiNanay.

***

NAGTATAKA ang netizens kung bakit pati si Bea Alonzo ay in-unfollow ni Karla Estrada.

Matatandaan na nasira ang matagal na pagkakaibigan nina Daniel Padilla at Dominic Roque.

Halos magkasabayan naman na pumasok sa showbiz sina DJ at Dom kaya ganun na lang ang kanilang closeness.

Para na nga silang magkapatid at matatandaan na in-unfollow na ni Daniel si Dominic sa socmed.

Marami mang nanghihinayang sa friendship nina DJ at Dom pero hanggang doon na lang daw talaga.

Understood na nga raw yun kung in-unfollow din ni Karla si Dominic na dating kaibigan ng kanyang anak.

Nagulat lang ang netizens kung bakit pati si Bea ay in-unfollow ni Karla.

Alam naman ng lahat na sina Bea at Dominic ay magdyowa na kaya alam na damay-damay na ayon pa sa netizens.

Nanghihinayang man ang netizens sa nabuong friendship nina Daniel at Dominic ay bigla na lang ito gumuho.

Wish ng netizens na pagdating ng panahon ay magkaayos ang dating magkaibigan.

Kung kailan, ‘yun ang ating aabangan na susunod na kabanata.

Well, well, well…’Yun na!

The post Bea in-unfollow sa socmed ni Karla, dinamay sa alitang Daniel at Dominic; Ruffa inayunan ng netizens vs ReiNanay contestant appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bea in-unfollow sa socmed ni Karla, dinamay sa alitang Daniel at Dominic; Ruffa inayunan ng netizens vs ReiNanay contestant Bea in-unfollow sa socmed ni Karla, dinamay sa alitang Daniel at Dominic; Ruffa inayunan ng netizens vs ReiNanay contestant Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.