Ni JULIET Q. PACOT
PAREHONG pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN sina Piolo Pascual at dating Kapuso actress Lovi Poe noong Huwebes, Sept. 16.
Bumalik sa Kapamilya si Piolo galing ng TV-5 habang si Lovi lumipat ng GMA-7 matapos ang 15 taon.
Dating Kapuso si Piolo na produkto ng That’s Entertainment (1986-1996).
Magtatambal ang dalawa sa remake ng K-drama Flower of Evil.
Present sa kanyang contract signing sa ABS-CBN compound sina Dreamscape Entertainment head Roldeo Endrinal, ABS-CBN bosses Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Mark Lopez, Rick Tan, at ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.
Saad sa post ng ABS-CBN: “The guessing game is over as ABS-CBN revealed its new precious jewel, Lovi Poe.”
Base sa caption, si Lovi nga ang tinutukoy ng teaser na ipinost ng ABS-CBN noong nakaraang linggo tungkol sa isang “precious jewel finding a new home.”
Ilang oras bago ang kanyang contract signing sa ABS-CBN, nag-post ng mensahe ng pasasalamat si Lovi sa GMA-7, na naging tahanan niya sa loob ng 15 taon.
Nagsimula si Lovi bilang Kapuso noong 2006 at nagbida sa iba-ibang teleserye ng Kapuso network.
May ilang beses ding nakatuntong sa Kapamilya network si Lovi para mag-guest sa iba’t ibang ABS-CBN talk shows tulad ng Gandang Gabi Vice, The Buzz at Magandang Buhay.
Nakagawa rin siya ng digital movie under Dreamscape Entertainment, ang Malaya, na ipinalabas sa streaming app ng ABS-CBN na iWant TFC.
Sabi nga ng ating mga usyusero’t usyusera, hindi lahat ng tumatawid ay namamatay dahil tiyak ang karir sa pag-ober da bakod lalo na’t hindi ka pababayaan.
The post Piolo at Lovi magtatambal sa K-drama remake sa pagpirma ng kontrata sa Dos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: