Facebook

Gerald ‘di bet panghimasukan ang buhay

Ni ARCHIE LIAO

NAGPAHAYAG ng saloobin si Gerald Anderson sa panayam sa kanya ng kaibigang si Dave Dalisay sa vlog nito.

Aniya, hindi raw porke’t public figures ang mga celebrities na tulad niya ay may karapatan na ang netizens na panghimasukan ang kanilang mga buhay.

Sa naturang panayam, natalakay din niya ang katakut-takot na panghuhusga na naranasan niya.

Dagdag pa niya, hanggang ngayon nga raw ay naba-bash pa sila ng girlfriend na si Julia Barretto dahil sa nangyari sa kanila sa nakaraan.

Ang tinutumbok niya ay ang ghosting issue niya kay Bea Alonzo bagama’t hindi niya ito deretsahang tinukoy.

Ang masakit pa lang daw minsan ay nahuhusgahan sila na ang tanging basehan lamang  ng netizens ay kung ano ang nababasa nila o naririnig sa social media.

Minsan daw ay naju-judge sila gayong hindi naman sila personal na kilala ng mga ito.

Katwiran ni Gerald: “Masaya ka sa buhay, malungkot sa buhay mo, human nature nating mang-judge.”

Hirit pa niya, hindi raw niya tinatanggal ang karapatan ng netizens na maglabas ng opinyon, pero dapat daw ay may limitasyon ang panghihimasok nila sa buhay ng public figures.

“Lahat naman tayo may karapatan sa opinyon natin. At maraming tao na laging may opinyon tungkol sa ibang tao at tungkol sa ibang bagay. Pero dapat hanggang doon lang,” ani Ge. “Kumbaga, kung gusto niyang mamuhay sa ganoong paraan o ano, choice niya iyan, di ba? Wala tayong karapatan mag-judge,” dugtong niya.

Paghihimutok niya, kaydali rin daw mag-pass ng judgment ng ibang tao to the point na minsan ay nakakalimutan na raw ng mga ito ang nagawa mong kabutihan.

“Ganoon sa lahat ng bagay. Kunwari sa trabaho, kung lagi kang on time, pero ma-late ka ng isang beses, bad shot ka na, di ba? Ganoon talaga,” esplika ng actor.

Ibinahagi ni Gerald ang kanyang opinyon kung ano ang pinakamagandang gawin sa ganitong sitwasyon.

“So, paggising mo sa umaga, isipin mo lang, gawin mo lang yung best mo bilang tao, bilang trabaho, bilang ano…,”sey niya. “Basta kungsaan ka masaya. Kung saan ka mas naging mabuting tao, mas masaya, mas positive, ”pahabol niya.

The post Gerald ‘di bet panghimasukan ang buhay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gerald ‘di bet panghimasukan ang buhay Gerald ‘di bet panghimasukan ang buhay Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.