Facebook

Kelvin aminado, ‘di matinong estudyante

Ni ROMMEL GONZALES

BAGONG  proyekto ng direktor na si Bril V. Juan ang Youtube series na Laro Tayo, Taguan Ng Feelings na pinagbibidahan ng sikat na vlogger na si Kimpoy Feliciano bilang si Paul at Gie Cayetano bilang Angel.

Bukod sa kanyang direksyon ay si Bril din ang gumawa ng screenplay nito mula sa orihinal na kuwento ni Kimpoy.

Mula sa Brilliant Stars Entertainment, Team Paolita at KUMU, ang Laro Tayo, Taguan Ng Feelings ay mapapanood tuwing Sabado, 8pm, mula September 11 hanggang October 2 sa Brilliant Stars Entertainment Youtube Channel.

Nasa cast din ang Kapuso young male star na si Ralph Noriega bilang si George, Jhelo Cristobal as Sir Ronnie, Aiyana Perlas as Nadine, Lara Fortuna as Celia,  Gio Ramos as Jasper, Anjo Pertierra as Captain Dave,  at Kiki bilang Sam.

Si Bril din ang direktor ng mga BL (Boy Love) series sa Youtube na In Between,  Stigma at Love While You Can.

Samantala, tinanong namin si Bril kung  ano ang mga challenge ng paggawa ng Laro Tayo, Taguan Ng Feelings sa gitna ng pandemic?

“Sobrang hirap! Una sa budget. Kasi swab pa lang, kasi ayoko po talaga na walang swab, lahat po kami, hindi kami pumayag na hindi po naka-swab lahat bago mag-shoot.

“Tapos sa location, kasi kailangan mong maghanap ng location na kaya mong magkuwento na parang naikot mo yung halos buong location.

“Kasi isa po sa naging problema namin dito, MECQ sa buong NCR. So ang hirap po talaga naming makapag-shoot kasi bawal po.

“So talagang lumabas kami ng NCR para makapag-shoot.”

Sa Rizal sila nag-shoot dahil hindi MECQ sa naturang lugar noong panahon ng shoot nila.

Originally ay sa Marikina sila magsu-shoot pero dahil nga sa MECQ at may target date sila ng pagpapalabas ng unang episode (noong September 11) ay nagbago sila ng location.

“So talagang pinush po namin siya, of course na may pagsunod sa mga health protocol na ibinigay ng IATF,” kuwento pa ni direk Bril.

***

ISANG kuwento ng pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala. Pagpili sa pagitan ng pamilya at minamahal. Ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi lalo na sa anak na lalaki.  Alamin ang mga pinagdaanang hirap masunod lamang ang puso.

Tunghayan ngayong Sabado, ang masalimuot na pagmamahalan nina Richard at Melody na pinamagatang “Gua Ai Di/ I Love You: The Richard and Melody Yap Love story”.

Pinagbibidahan ito ng Kapuso stars na sina David Licauco at Shaira Diaz.

Sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco, at matinding pananaliksik ni Angel Launo, mapapanood ito ngayong Sabado, 7:15 ng gabi sa GMA.

***

ISANG estudyante ang papel ni Kelvin Miranda sa Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette (bilang si Marcus) kaya naitanong namin kay Kelvin kung sa tunay na buhay ba ay anong klase siyang estudyante?

“Ah dito lang po tayo sa totoo. Hindi naman po ako ipokrito para sabihin ko na matino akong estudyante. Well, nag-aaral naman po akong mabuti pero parang mas ginaganahan akong mag-aral kapag yung work hard, play hard, kumbaga.

“As in kung lumalabas kami ng mga kaibigan ko, kailangan pagdating sa eskuwela babawiin ko yun kahit ako mag-suffer kasi ginusto ko yung gawain, e.

“May mga ganung times pero maaga rin akong nagsawa sa ganung stage kasi hindi ko talaga siya kayang lifestyle, hindi siya para sa akin, napapagod ako,” sinabi pa ni Kelvin.

Leading lady sa Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette si Beauty Gonzales bilang Bridgette.

The post Kelvin aminado, ‘di matinong estudyante appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kelvin aminado, ‘di matinong estudyante Kelvin aminado, ‘di matinong estudyante Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.