PINAIIMBESTIGAHAN ni Philippine National Police Chief, General Guillermo Eleazar, ang umano’y paglalaro ng ari ng isang police major sa harap ng isang salelady sa isang establismento sa Legaspi City, Bicol.
Ito’y matapos na mag-viral sa social media at makarating sa kanyang tanggapang ang ginawa ng nasabing opisyal.
Ayon kay Eleazar, ipinag-utos na niya ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon at pagpaliwanag ang nasabing pulis at haraping ang kanyang ginawang kababoyan.
Sinabi ni Eleazar na pulis man o sibilyan, walang taong nasa katinuan ng pag-iisip ang gagawa nito, kaya inatasan niya ang RD ng PRO5 na imbestigahan at gumawa agad ng karampatang aksyon tungkol dito.
Kasabay ng naturang utos ang pagpapasailalim sa nararapat na medical intervention sa pulis na gumawa ng kalaswaan upang maagapan kung ano ang kanyang pinagdadaanan.
Sa report, nagkubli sa isang lugar sa second floor ng isang establiemento ang nasabing pulis at nag-musturbate sa harap ng isang sales lady.
Ang nasabing insidente ay nakuhanan ng CCTV footage pero minarapat ng magkabilang panig na huwag nang ilabas ito.(Mark Obleada/ Koi Laura)
The post PAGDYADYAKOL NG POLICE MAJOR SA HARAP NG SALESLADY, PINAIIMBESTIGAHAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: