Ni GERRY OCAMPO
TRENDING sa social media ang post ni Heart Evangelista na nakasuot ng see-through gown na hanggang waist ang slit habang nakasandal sa isang vintage car.
Isang Vietnamase designer ang may gawa ng nakatutuksong gown ni Heart.
“Let`s see where the road takes us @tranhung official,” caption ni Heart.
Hindi lang yun ang unang pagdadamit kay Heart ng Vietnamese designer pero mas napag-usapan lang ang see-through gown kumpara sa ibang damit na ginawa sa kanya.
“Tran Hung is a designer from Vietnam, a country that is very much in its infancy in the fashion industry. Tran Hung is amongst the well-entablished brands in the high end luxury fashion market, captivating his audience with his sophisticated designs by pushing the envelope of design.”
***
SANGKATUTAK ang nag-react sa ginawang pictorial ni KC Concepcion na in-upload niya sa kanyang Instagram page.
Ang dahilan kasi ay makikita siyang nag-pictorial sa gitna ng riles ng tren. Hindi raw niya alam na gumagana pa ang railway.
“No I did not know this was a working railway. Enjoyed the moment anyway,” caption ni KC sa mga photos na kinunan sa Rosewood Miramar Beach.
Ang reaction tuloy ng netizensay buwis buhay ang pagpo-pose at pictorial ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Pero in fairness ay maganda ang mga larawan kaya pinuri siya ng mga netizen dahil nga risky ang kanyang ginawa.
“Hay, you can get electrocuted!” babala naman ng isang follower.
Kasalukuyang ini-enjoy ni KC ang paninirahan mag-isa sa US at sabi nga niya sa kanyang latest vlog na matatagalan siya doon dahil nag-aaral siya ng Gemology.
***
PAOLO SUPORTADO NG CO-STARS NG ‘BUBBLE GANG’
HINDI maitatawa na marami ang nagalit kay Paolo Contis nang hiwalayan niya si LJ Reyes. Natural na marami ring followers niya ang apektado na nag-aalala na maapektuhan ang pagiging komedyante niya sa Bubble Gang na napapanood every Friday evening at 10:20 sa GMA 7.
Pero para naman sa mga tunay na nakakakilala kay Paolo lalo na sa mga kasamahan niya sa longest running gag show sa telebisyon na tao lang si Paolo na mahina sa tawag ng tukso.
Hindi naman maiiwasan ng followers ng Bubble Gang na baka makaapekto ang ginagawang pagpapatawa ng actor sa gag show.
Anyway, nandiyan naman sina Michael V at mga co-stars na magaling magpatawa sa show. Isama pa ang magagandang actress sa BG na bukod sa ganda ay magaling magpatawa at maghatid ng saya sa followers ng longest running gag show sa TV.
The post KC buwis-buhay sa pictorial sa riles ng tren appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: