Ni WALLY PERALTA
HINDI akalain ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na hindi na pala siya mangangapa sa bagong ka-loveteam sa seryeng ‘Love. Repeat. Dies’.
Sa unang pagkikita palang daw nila ni Xian Lim sa taping ay naging maganda agad ang kanilang samahan kahit pa sabihin na hindi pa sila nagkasama sa isang project.
Naging at ease maging si Xian kay Jennylyn, na isa sa mga biggest Kapuso star.
“Since this is our first day, first time naming magkaeksena, first time naming mag-face to face and stuff so nakatutuwa lang. It’s a different feeling with Jennylyn, sina direk and everyone else,” say ni Xian.
Samantala, pinuri naman ni Jen si Xian sa pagsasabing masayang kasama ang aktor.
“Happy ako dahil masayang kasama si Xian, magaling na aktor. And with regards sa first seryeng ginagawa namin ni Xian, first time makakanood ang mga tao ng ganitong klaseng istorya. Excited na ako sa magiging reaction nila,” sabi ni Jen.
***
BUHOS lahat ng effort at kakayanan ni Gerald Anderson sa lahat ng kanyang karakter na ginagampanan sa mga teleseryeng ginawa niya. Apektado ang aktor lalo na sa mga role niya na may social relevance. Kung matatandaan sa ginawang serye ni Gerald na ‘A Soldier’s Story’ ng Kapamilya Network ay naging daan para maging isang reservist sa army si Gerald at nagtuluy-tuloy siya hanggang sa maging isang auxiliary lieutenant commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).
Ang kanyang ranggo rin ang nagtulak sa nobyang si Julia Barretto para sumali sa PCGA at nabigyan ng rank na auxiliary ensign of the K9 Squadron.
Sa pagtatapos naman ng latest serye ni Gerald sa Kapamilya Network na ‘Init Sa Magdamag” na gumanap siyang isang medical practitioner ay nahulog naman ang kalooban ni Gerald sa mga medical practitioners lalo na sa mga medical frontiliner na humaharap sa hindi nakikitang mga kalaban o virus.
“We see no improvement in their situation, especially now that the number of infected cases keeps rising. They have no time to rest. Unlike us actors, we also get tired after working all day, but at night, we are able to go home, take long showers, and watch TV before heading to sleep. This is not the case for our frontliners, so let’s show them our appreciation. Let’s give them what they are demanding because we know they deserve it. They are out there fighting an invisible enemy for us,” pahayag ni Gerald.
Hindi naman kaya dumating ang time na maisipan ni Gerald na mag-aral ng medisina o any related course? Posible naman ito dahil sa hindi naman nasusukat sa edad ang pag-aaral.
The post Jennylyn bilib sa kaparehang si Xian sa ginagawang serye sa Siyete appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: