Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS na magpakitang-gilas sa gay roles sa mga pelikulang Die Beautiful, Panti Sisters at iba pa, siguradong mapapansin na naman ang award-winning actor na si Christian Bables sa pelikulang “Bekis on the Run”na idinirehe ni Joel Lamangan at mapapanood sa Vivamax simula sa Setyembre 17.
Sa obrang ito ng multi-awarded director, masusubukan din kung magkli-click ang tandem nila ni Diego Loyzaga hindi lamang sa pagpapatawa kundi sa pag-antig ng ating mga puso.
Sa pelikulang ito, umiinog ang kuwento kina Andres (Diego Loyzaga) at sa kapatid niyang bading na si Donald (Christian Bables) na nagtangkang nakawan ang isang construction site para matulungan ang kanilang guardian na si Nanay Pacing (Lou Veloso).
Magiging issue of national concern ang naturang insidente na makukuha ng magkapatid ang simpatiya ng LGBTQA+ community.
Bagama’t ilang beses na siyang gumanap ng gay roles, aminado si Christian na kinabog pa rin siya sa kanyang latest movie.
First time raw kasi niyang gumawa ng bed at torrid kissing scenes sa isang hombre na ang kapareha niya ay ang Viva stud na si Sean de Guzman na nakilala sa mga pelikulang “Anak ng Macho Dancer” at “Taya.”
“Once kasi nakapasok ka na sa shoes ng character, kung saan man dadalhin ng director yung ship kumbaga masasakyan mo yun eh. Somehow, magiging ready ka. Although ikaw as an actor, medyo may gulat factor pa din,” ani Christian.
Aminado rin si Christian na malapit sa kanya ang tema ng pelikula dahil isa siyang ally ng LGBTQA+ community.
Kasama rin sa pelikula sina Kylie Verzosa bilang si Adriana, ang partner ni Andres; at si Sean De Guzman bilang Martin, ang ex-boyfriend ni Donald.
Bukod sa pagiging comedy-drama film, ang BEKIS ON THE RUN ay tatalakayin din ang korupsyon, at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military.
Dahil gawa ito ni direk Joel Lamangan, siguradong madaming dapat abangan sa pelikula.
Kaya wag nang tumakbo, stay at home at panoorin ang BEKIS ON THE RUN ngayong Setyembre 17.
The post Christian dinaga sa kissing scene kay Sean appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: