Bea tinanggap ang hamon ng TV show, napasubo sa pagkanta; Ate Vi nagpagawa ng YTC kina Luis at Jessy
Ni JOVI LLOZA
TINANGGAP ni Bea Alonzo ang hamon para sa programang TBATS na isasalang ito.
Kakalkalin ang kanyang karera at lovelife.
Tanggap din ni Bea at isa pang hamon na dito na yata mailalabas ang husay nito as performer.
Magkakaalaman nga sa Sunday na guest ang bagong Kapuso star na si Bea. At hindi naman ito natakot sa mga paghahamon sa kanya.
Dahil kasubuan na ay naghahanda na nga si Bea at todo-ensayo na ito.
Masasalang si Bea para sa biritan, bibihira at never pa nga nakikita ng netizens kung paano bumirit ang aktres.
Magkakaalaman nga raw sa pagsalang nito sa show nina Boobay at Tekla sa Linggo.
Aba mga kanta ni Adele ang pinapraktis nito ano kaya sa mga kanta ang ibibirit ni Bea?
Hmmmp!? Abangan!?
***
ABA, tila nag-enjoy sa pagbla-vlog ang Star For All Seasons na si CongW. Vilma Santos-Recto.
Sa Lucky TV ni Luis Manzano ay laging bitbit ni Lucky ang kanyang ina sa kanyang vlog.
Naging maganda naman kasi ang feedback ng Mother and Son tandem.
Nang matapos na ang vlog ng mag-ina at uuwi na ang mag-asawa ay sinabihan ni Ate Vi ang anak at manugang na gawan din siya ng YTC at turuan sa vlog.
Magsasarili na kaya si Ate Vi sa pagbla-vlog at gusto nito na ma-update ang kanyang mga subscribers?
Dapat daw ay marami siyang subscribers para daw ganahan ito sa kanyang vlog. At ginawan na nga ng mag-asawa ng YTC si Ate Vi kaya may sarili na itong channel sa YouTube, ang VSRecto.
Marami namang Vilmanians na nag-aabang sa unang vlog ni Ate Vi sa sariling channel.
Well, well, well…’Yun na!
The post Bea tinanggap ang hamon ng TV show, napasubo sa pagkanta; Ate Vi nagpagawa ng YTC kina Luis at Jessy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: