Facebook

Ken nagbukas ng ilang negosyo ngayong pandemic; Ejay sumasama sa kampanya ng Mindoro gov. walang raket sa showbiz

Ni WALLY PERALTA

BUKOD sa pagiging abala sa kanyang mga show sa GMA7 tulad ng “Ang Dalawang Ikaw” nila ni Rita Daniela at ang pagiging isa sa regular cast ng weekly musical variety show na “All Out Sunday,” bisi-bisihan din si Ken Chan sa mga negosyong  tinatag at itatatag palang mereseng may pandemya pa sa buong bansa.

Walang takot na maglabas ng malaking pera si Ken para sa mga negosyong itatayo kahit pa sabihin na karamihan sa ating mga businessman ngayon ay lie-low muna sa pagnenegosyo o pagbubukas ng panibagong bisnes.

Saan kaya kumukuha ng tapang si Ken na kahit may health crisis ang bansa at karamihan sa mga Pinoy ngayon ay walang trabaho o income ay go lang siya sa pagbubukas ng bagong negosyo?

Para sa young actor,  kung hihintayin pa raw niyang matapos ang pandemic ay baka lalong mawala ang opportunities. Lakas  lang daw ng loob ang kanyang kinakapitan para sa pagbi-business at hindi raw siya p’wedeng magpadala sa takot.

At heto lang naman ang negosyo na balak ni Ken ngayong may pandemya.

Meron siya ngayong pag-aari na mga  gasolinahan. Hindi lang isa kundi marami at ang ilan ay sa probinsiya nakapuwesto. Bata palang daw si Ken ay bet na niyang magkaroon ng gasolinahan.

May tinayo rin siyang kumpanya, kasosyo ang ilang mga kaibigan na gumagawa sila at nagbebenta ng mga massage chairs na tinawag nilang Aromagicare Massage Chair. Andiyan pa rin ang pag-invest ni Ken sa isang existing coffee shop sa Antipolo, ang Kaulayaw Coffee.

At dahil enjoy si Ken sa partnership niya sa isang coffee shop ay magtatayo rin ang aktor ng sarili niyang cafe na bubuksan this October, ang Café Claus dahil Christmas daw ang concept ng café na ito.

Nasa planning stage na rin ang balak ni Ken na makipag-partner sa mga owners ng iconic na Alfredo’s Streak House pag nag-open ito ng branch sa Tagaytay.

***

NANAHIMIK ang aktor na si Ejay Falcon matapos ‘di nabigyan ng prangkisa ang kanyang mother network, ang Kapamilya Network.

Sa kanyang pananahimik ay natsika rin na pinaplano na raw ng aktor na lumipat na rin sa Kapuso Network. Nataon pa na nagkaroon ng health crisis sa bansa. Umuwi sa kanyang home province si Ejay sa kasagsagan ng pandemya.

Tsikang imbes na bumalik sa showbiz world ay naging bisi-bisihan si Ejay sa pagsama-sama sa mga official function ng kanilang gobernador, si Gov. Humerlito “Bonz” Dolor. Nagsimulang  mag-join si Ejay sa paglibut-libot kasama ng incumbent governor nitong buwan ng Agosto.

At siempre dahil sikat na aktor ay ‘di maalis ang mga tili at kilig ng mga tao. Dito ay medyo kumakambyo si Ejay sa pagsasabing sana ay maasahan niya ang suporta ng mga taong kanilang nabibisita sa tamang panahon.

“Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon, ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan niyo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo,” sey  ni Ejay.

Enjoy naman si Ejay sa bagong pakikipagsapalaran niya sa buhay, ang mapalapit sa kanyang mga kababayan.

“Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi niyo ako tingnan bilang artista. Tingnan niyo ho ako bilang kababayan niyong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo,” dagdag na say pa ng lead actor ng dating Kapamilya serye na ‘Sandugo’.

The post Ken nagbukas ng ilang negosyo ngayong pandemic; Ejay sumasama sa kampanya ng Mindoro gov. walang raket sa showbiz appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ken nagbukas ng ilang negosyo ngayong pandemic; Ejay sumasama sa kampanya ng Mindoro gov. walang raket sa showbiz Ken nagbukas ng ilang negosyo ngayong pandemic; Ejay sumasama sa kampanya ng Mindoro gov. walang raket sa showbiz Reviewed by misfitgympal on Setyembre 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.