KINARARANGAL ng mga Dabawenyo sa unang distrio ang pinakikitang kasipagan ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, kumpara sa iba na tuwing nalalapit lang ang eleksyon kumikilos.
Matapos na sunod-sunod ang proyekto at programa, nagawa din nito na pamunuan ang pamimigay sa tinatayang 400 na manikurista sa 54 na barangays sa unang distrito ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) payout noong nakaraan sa Davao City.
Naging sunod-sunod at mabilis ang pamamahagi ng TUPAD sa nasabing lungsod sa mga mangingisda, displaced workers, frontliners at itong huli na mga manikurista sa tulong na din ni Benguet caretaker at ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Tinataya po na dalawang libo mahigit pa na manikurista ang pagsisikapan natin na makakuha ng TUPAD sa ating distrito. Sinisikap din natin na mabigyan pa ang iba nating kababayan na sadyang naging mahirap ang buhay dahil sa pandemya na kinahaharap ng buong bansa,” pahayag ng mambabatas na anak ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa ibang residente, bago pa man ang pandemya, ramdam na nila ang pagiging subsob sa trabaho ng kanilang idolong si Cong. Duterte. Bukod pa rito ang laging pangunguna rin ng mambabatas sa pagtulong sa mga nasusunugan o maging sa panahon na may bagyong nanalasa sa Lungsod.
The post Cong. Pulong, nanatiling subsob sa trabaho appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: