Facebook

Dalagita kinatay ng ama at kuya

TINADTAD ng saksak hanggang sa malagutan ng hininga ang isang dalagita ng sariling ama at kapatid sa Purok 5, Barangay Simalongan, Masbate City.

Kinilala ang biktima na si Mary Grace Cortes Medina, 15 anyos.

Nadakip naman ang amang si Marcelo Medina Sr., 48, magsasaka, at isinuko ito ni Barangay Captain Charlie Tumbaga sa mga alagad ng batas.

Arestado rin ang kapatid ng biktima na si Marcelo Jr., 25, binata.

Sa ulat, 3:00 ng madaling araw noong Biyernes nang marinig ng mga kapitbahay ang gulo na nagmumula sa tahanan ng pamilya Medina.

Ayon pa sa ulat, bigla nalang pinagtulungan saksakin ng mag-ama ang dalagita sa hindi malamang dahilan, na agad nitong ikinamatay.

Lumitaw rin sa imbestigasyon na bago ang karumal-dumal na krimen may 2 linggo nang nawawala sa sariling katinuan ang biktima.

The post Dalagita kinatay ng ama at kuya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita kinatay ng ama at kuya Dalagita kinatay ng ama at kuya Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.