SA adhiaking masupil ang COVID-19 PANDEMIC ay tila nalambungan na ng DIKTADORYANG-UTAK ang mga GOVERNMENT OFFICIAL.., na batid nilang bawal ang pagpapairal ng NO VACCINE NO WORK POLICY ay ipinaiiral naman ngayon ang MANDATORY VACCINATIONS.
Sa ilang mga LOCAL GOVERNMENT UNIT (LGU) tulad sa DAVAO CITY na nag-atas si CITY MAYOR SARA DUTERTE na ang mga empleyado sa kanilang CITY GOVERNMENT ay hinde na papayagan ang mga hinde bakunado na makapag-panibagong kontrata sa kanilang pagtatrabaho para sa taong 2022.., ibig sabihin e pinupuwersa o mandatory na ang ipaiiral, na kailangang bakunado ang lahat ng mga empleyado.
Tulad sa inirerekomenda ng METRO MANILA COUNCIL sa INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF).., na luwagan na ang mga alituntunin sa mga taong bakunado, para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.
Halimbawa ng pagpapaluwag sa alituntunin ay maaari nang makakain sa loob ng restoran ang mga bakunado at malayang makagagala o makasakay sa mga pampublikong transportasyon.., naku ibig sabihin, ang mga hinde bakunado e hinde na makasasakay sa mga pampublikong sasakyan?
Hinde man tuwirang inihahayag ng GOVERNMENT OFFICIALS na isasapilitan na ang pagpapabakuna sa lahat ay mararamdaman naman ng mga tao ang diskriminasyon.., sa gayon ay mapipilitan ang mga taong magpabakuna para maging malaya na rin silang gumala sa kung saang lugar nila gustong pumunta o mamasyal at para sa malayang paghahanapbuhay.
Nitong nakaraang Agosto ay nagbabala ang DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) na labag sa batas kung ipaiiral ang NO VACCINE NO WORK POLICY.., at maging ang DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ay ganito rin ang kanilang panuntunan na ang PROOF OF VACCINATION ay hinde requirement for employment batay sa isinasaad ng Republic Act No. 11525, o ang “COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Gayundin, ipinunto ng DOH na ang Republic Act 11525 ay nagsasaad na “vaccine cards shall not be considered an additional requirement for employment purposes”…, e bakit ipaiiral ng GOVERNMENT OFFICIALS ang MANDATORY VACCINATION? Epekto na ba ito ng COVID-19 PANDEMIC ang pagiging DIKTADORYANG-UTAK na sinasalungat at nilalapastangan ang mga umiiral na batas sa ating bansa?
Nawindang na ba ang utak ng ating GOVERNMENT OFFICIALS lalo na ang DOH.., na noong may nagsusulong ng BOOSTER SHOT para sa mga nabakunahan ay naglabas ang DOH ng PUBLIC ADVISORY na nagsasaad na
“since the vaccine were approved under Emergency Use Authority and long-term follow-up studies in the trials are still on going, data on the duration of immunity is subject to updating. Participants of clinical trials are monitored for up to 1 to 2 years to generate the complete clinical trial results”…, maliwanag na hanggang 2-taon oobserbahan ang mga nabakunahan; kaya huwag pong pilitin ang ayaw pang magpabakuna dahil nasa EXPERIMENTATION STAGE pa lang ang lahat ng COVID VACCINE BRANDS!
***
“NO WORK NO VACCINE” SA TANZA, CAVITE?
Sa TANZA, CAVITE naman ay baliktad ang panuntunan ng isang BARANGAY CHAIRMAN sa kaniyang mga nasasakupan dahil marami ang gustong magpabakuna ay hinde naman sila babakunahan dahil ang mga tambay lamang o walang trabaho.ay hinde raw puwedeng mabakunahan.
Ilang mga residente sa BRGY. BAGTAS, TANZA ang nagbulong sa ARYA BUBUYOG na ang kanilang BRGY. CHAIRMAN na si BOYET MINTU na selective daw ang mga babakunahan.., hinde raw priority ang mga walang trabaho na mabakunahan.., teka, hinde kaya limitado pa lamang ang pambakuna na naibigay sa naturang barangay? O baka naman kaya hinde kaalyado ni TANZA MAYOR YURI PACUMIO etong si TSERMAN MINTU kaya karamput na pambakuna lang ang inihatid sa BRGY. BAGTAS?
PAGING MAYOR PACUMIO at TSERMAN MINTU…, maraming gustong magpabakuna pero hinde nyo raw sila priority? Kung limitado ang inyong pambakuna ay dapat na nililinaw nyo sa inyong constituent para hinde sila magdamdam sa inyo.
Eto pa po, hinaing ng mga residente na kapag 14-day LOCKDOWN ay tig-5 kilo ng bigas at 5-delata ng sardinas ang ipinamamahaging ayuda.., e kakasya bang pangkain ng pamilya yan sa loob ng 2 linggo gayong hinde papayagang makalabas ng bahay ang mga nasa LOCKDOWN AREA?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Diktadoryang-utak epekto ng pandemya? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: