No science is immune to the infection of politics and the corruption of power. — Polish-British mathematician Jacob Bronowski
PASAKALYE:
Text message . . .
MICHAEL YANG pinaaaresto. Hahahahaha. Suntok sa buwan ‘yan. Basta katropa ni BANGAG walang puwedeng arestuhin, baka kayo pa kasuhan ni GA-GO e kalahi niya aarestuhin ninyo? Dapat nga kasama d’yan si baklang DU-QWE sa mga overpiced na face mask at face shield. Si bakla nga hindi matinag ng Senado, hindi rin takot sa panawagan ng buong sambayanan na magbitiw. Wala kayong puwedeng upakan sa katropa ni Bangag. Dahil wala raw korap sa kanila. Manigas na lang kayo, pagtatawanan lang kayo ni Bangag.
GCQ sa NCR binawi ng ITA este IATF. Pero ang travel ban hindi maibalik. Kaya welcome ang mga dayuhang may Covid. Mahigpit sa mamamayan, maluwag sa mga dayuhan. Ano’ng say ninyo mga idol? Gusto ba talaga nila mawala ang Covid Nateen o lumobo pa. Simple lang, ‘di ba? Walang Covid, walang AYUDA, walang ayuda walang KUPIT. At kapag nawala ang pandemya, wala nang dahilan para mangutang uli ng trilyones. Ano’ng say ninyo? Magunaw na lang ang bansa natin. Hahahaha. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…)
REAKSYON:
Walang magiging pagbabago hangga’t ang sambayanang Pilipino ay bumoboto ng mga taong malasakit sa bayan. Patay na po ang mga bayani at mamamatay na rin an gating mga bagong bayaning OFW at frontline medical workers.
Text message . . .
DUTERTE nag-sorry sa pagkakapatay sa apat na Chinese drug lord. Takot talaga sa China si BANGAG. E gago ka makipaglamay at makipaglibing ka para malaman ng China. Imbes na matuwa, nalungkot ang Bangag. Pero ang libu-libong pinapatay niya na mga sipuning adik, tulak at damay pati inosente, tuwang-tuwa ang HAYUP! Hindi man lang din nag-sorry.
Duterte nag-sorry sa taongbayan dahil sa paggamit ng face shield. Inamin na pagkakamali niya. Wow! Seryoso ba ang Bangag na ito? Isang taon at kalahating pinagkakakitaan ni DU-QWE at tropa ni GA-GO pero ngayon mo lang nasabing mali? Bakit meron ka bang sinabi at ginawang tama? Paki sabi nga. At matatawa ka sa pagsasalita ng bangag at bulol, utal-utal ang pagkakasunud-sunod ng salita, kailangang intindihin mong mabuti. Hahahaha! Sabi niya sa America wala daw shield. E ‘di kasi korap ang DoH doon. Dito tanggap mo murahin ka at humingi ng sorry para akuhin at ipagtanggol mo si BAKLA. Kumita rin kayo ni Ga-GO at si walang-YANG, ‘di ba? Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…)
REAKSYON:
Sorry . . . Wala akong masabi e . . .
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Walang Ayuda at Wala ring Masabi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: