PAGDAMAY SA KAPWA likas na katangian ng mga Pilipino ang pagiging matulungin lalo na ngayong pandemya dulot ng COVID-19. Halos dalawang taon na itong pinatunayan ng anak ni Atty Larry Gadonna si Alarice Gadon at Iron Rock Jermice na kapag may mga kababayan tayong naaapektuhan o nagiging biktima ng sakuna, trahedya at mga di inaasahang pangyayari nandyan sila lagi.
Nakaukit na yata sa kanila ang kasaysayan ng diwa ng bayanihan sa ting mga Pilipino sa oras ng krisis. Kaya ngayong nahaharap tayo sa COVID-19 pandemic ay may naisip na namang paraan ang mga “marcos loyalist hongkong” sa pangunguna ni Alarice Gadon at Iron Rock Jermice para makatulong. ngayong may pandemya, kung saan milyon-milyon ang nawalan ng trabaho dahil sa mga nagsaradong mga kumpanya. Ang resulta- pagkalam ng sikmura.
Marami ang nagugutom dahil walang pagkain sa hapag kainan. Mabuti nalang at merong Gadon at Jermice na nakaisip na paraan para tugunan ang ang kalam ng sikmura sa pamamagitan ng nutribun feeding mission.
Sa kabila ng kinakaharap na problema ng bansa dahil sa lumulubong kaso ng coronavirus disease 2019, lumalabas parin ang mga magagandang katangian ng mga Pilipino tulad na lamang na pinakita nina Ms.Gadon at Jermice.
Para sa kabatiran ng lahat, ang naturang nutribun feeding mission na umarangkada sa ibat-ibang lugar ay nagsimula pa noong Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan tuloy-tuloy ang kanilang serbisyon ng walang hinihinging kapalit.
Sa gitna ng krisis dulot ng pandemya ay hindi alintana o iniisip ni Ms Gadon at Jermice ang kapahamakan na maaring mangyari sa kanila pero para sa kanila maihatid lamang sa bawat pamilya ang masustansiyang tinapay partikular na yong mga nasa deepress areas o mga naka lockdown ay sapat na. Ayon kina Gadon at Jermice hanggat kaya, hindi sila susuko o titigil sa pagtulong sa pamimimigay ng masustansiyang tinapay dahil narin sa kaso ng malnutrisyon at kahirapan sa bansa.
Layon ng mga Marcos Loyalist Hongkong ay bayanihan upang maibsan ang kumakalam na sikmura at maitawid ang gutom sa pamamagitan ng pagkain ng sikat na nutribun na kilala noong panahon ni dating APO LAKAY Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Samantala kapareho din ng Marcos Loyalist na ilang taon naring ginagawa ang pamimigay ng libreng nutribun ng Bongbong Marcos Avengers Japan sa pangunguna ni Levi Bshel, Manelle Rosales Guillermo at Gerry Roxas.
Kahit umulan o tirik ang araw kahit may bagyo at banta ng COVID-19 hindi hadlang ng nasabing samahan maihatid lang sa mamamayan ang masustansiyang tinapay sa mga depress areas, mga naka lockdown at mga sinalanta ng kalamidad.
Layon din ng Bongbong Marcos Avengers Japan na maitawid ang kumakalam na sikmura ng marami nating kababayan na nawalan ng pangkabuhayan at trabaho dulot ng COVID-10.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post MARCOS LOYALIST AT MARCOS AVENGERS ‘NUTRIBUN FEEDING MISSION’, 2 TAON NG UMARANGKADA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: