Facebook

EJ Obiena nagtala ng bagong Asian record sa Austrian meet

NAGTALA si Obiena ng bagong record-breaking performance Sabado (Linggo sa Manila) matapos pagharian ang 17th Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

Ang 25-year-old Olympian ay nilundag ang 5.93 meters sa kanyang final attempt upang ilista ang bagong Asian rekord at lagpasan ang kanyang national mark.

Binasag ang 5.92 m rekord ni Igor Potapovich ng Kazakhstan na naitala sa Stockholm, Sweden noong 1998 at sariling PH rekord na 5.91m na pinoste sa Meeting de Paris Wanda Diamond League sa France nakaraang Agosto.

Nilampaso ni Obiena ang 2020 US Indoor Champion Matt Ludwig at kapwa Olympian Ersu Sasma ng Turkey, na nagposte ng magkaparehong 5.60 marka.

Ito ang ika-limang tournament ni Obiena matapos ang Tokyo Games. na kagagaling lang sa fourth-place finish sa Wanda Diamond League Finals sa Zurich,Switzerland.

Ang dating natapos kabilang ang runner-up finish sa Poland (5.80, 10th place finish sa Allianz Memorial Van Damme Wanda Diamond League sa Brussels,Belgium (5.65m), Parish Diamond League (5.91m) at Athletissima Wanda Diamond League (5.52m).

The post EJ Obiena nagtala ng bagong Asian record sa Austrian meet appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EJ Obiena nagtala ng bagong Asian record sa Austrian meet EJ Obiena nagtala ng bagong Asian record sa Austrian meet Reviewed by misfitgympal on Setyembre 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.