OPISYAL nang nagkapirmahan ang dalawa sa mga bigating pangalan sa TV at film industry – ang GMA Network at Regal Entertainment – para sa mga pasabog na proyektong handog sa loyal Kapuso viewers.
Bukod sa mga bossing ng GMA at Regal, naging star-studded din ang signing ceremony na dinaluhan ng ilang Kapuso stars na bibida sa unang tatlong episodes ng tinuturing na biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’!
Super excited sina Sanya Lopez, Ken Chan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Sofia Pablo, Allen Ansay, at Sandro Muhlach na mapabilang sa kaabang-abang na partnership na ito na magsisimula na ngayong Sabado, September 11.
Kasama rin sa mga dapat na abangan ng viewers ang pag-ere ng hit BL series na ‘Ben x Jim’ sa digital channel na Heart of Asia sa darating na September 26! Balita pa namin, may mga pelikulang tatak-Regal ang mapapanood din sa iba’t ibang channels ng GMA.
Siguradong all-out entertainment ang naghihintay sa Filipino audience ngayong nagsanib-puwersa na ang GMA at Regal. Tutok lang, mga Kapuso!
***
Bea Alonzo, makikisaya sa The Boobay and Tekla Show
HUMANDA na sa good vibes na hatid nina Boobay at Tekla dahil makakasama nila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa unang pagkakataon sa ‘The Booby and Tekla Show’ ngayong Linggo, September 12.
Sasalang si Bea sa isang no holds barred interview sa “May Pa-Presscon” na sasagutin niya ang ilan sa pinakamahihirap na katanungan mula sa kanyang heartbreak, relationship status, at career plans sa Kapuso Network.
Game rin na ipamamalas ni Bea ang kanyang husay sa pagkanta sa “Birit Showdown” na aawit siya ng sikat na kanta ni Adele.
Abangan lahat ng ito sa The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. (BKC)
The post GMA at Regal, maraming nilulutong proyekto! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: