LA UNION – Umaapela ang mga naninirahan sa Barangay Guinabang sa bayan ng Bacnotan, La Union na kumpunihin agad ang hanging bridge na nasisilbing daanan ng mga ito upang makatawid ng ilog nang bumigay ito nitong nakaraang araw.
Ayon kay Benito Nicha, na isa siya sa mga nahulog sa nasabing tulay.
Sinabi ni Nicha, na pauwi na sana siya sa kanilang tahanan matapos tignan ang alaga nitong kalabaw sa bundok at dumaan ito sa naturang tulay na nagsisilbi na kaisa-isang nagdudugtong na daan upang makatawid sa kabilang gilid ng ilog.
Habang tumatawid si Nicha at ang anim pa na indibidwal sa tulay, biglang naputol ang isang kable nito.
Nahulog si Nicha at ang isang bata sa ilalim ng tulay, habang nakakapit at nakabitin naman ang iba pa.
Mapalad umano ang bata dahil maayos ang pakakabagsak nito sa buhanginan, samantalang si Nicha ay iniinda pa rin ngayon ang sakit sa kanyang likod dahil sa pakakahulog.
Umaasa ang mga naninirahan doon na maaayos sa madaling panahon ang tulay upang hindi na maulit ang pangyayari.
The post Hanging bridge sa La Union bumigay: 2 nahulog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: