Facebook

WALANG KAPAGURAN SI HEPE PAGADUAN NG MEYCAUAYAN

TUNAY na walang puwang ang kapabayaan para sa buong puwersa ng kapulisan sa Lungsod ng Meycauayan sa Lalawigan ng Bulacan. Dahilan dito ay ang komprehensibo at action-filled na liderato ni workaholic Chief of Police PLTCOL BERNARDO E. PAGADUAN. Police presence, PATROL Plan 2030, PRO3 Implan of Action on NTF- ELCAC/CSRB (PRRD’s directives) Community and Service Oriented Policing (CSOP) System at Comprehensive and Extensive Cascading of ELCAC Program (CECEP).Ito ang inilatag kamakailan ng kapulisan ng Meycauayan sa timon ni Hepe Pagaduan katuwang ang mga miyembro ng National Coalition Lingkod Bayan Advocacy Group.

Ikinalat sa buong kalunsuran ang visibility ng Kapulisan at ikinasa ang mahigpitang pagbabantay at pagpapatupad ng mga alituntunin ng IATF na community quarantine sa buong probinsiya na nagtatalaga ng mga guidelines, gabay sa pag-iingat at tamang pamamaraan upang maging ligtas ang mamamayan ngayong panahon ng pandemya sa iba’t-ibang lugar sa Meycauayan.

Layunin dito ang patuloy na vigilance kontra mga labag na aktibidad at di kanais-nais na gawain at balakin ng masasamang elemento para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong lungsod at mapigilan na rin ang patuloy na paglaganap ng covid-19.

Si Chief Pagaduan na sa sapantaha ng korner na ito na magiging Chief PNP sa hinaharap ay walang kapaguran sa kanyang paglilingkod sa nasasakupan na naging trademark na niya mula nang siya ay manungkulan bilang alagad ng batas sa kanyang mahal na bansang Pilipinas.

Sa pamunuan ni Chief Pagaduan ay patas at makatao ang kanyang panuntunan kaya maging ang mga nalihis ng landas ay binigyan niya ng pagkakataong mawari ang tama at mali. Binigyan pa rin niya ng dignidad ang mga PUCP’s tulad ng serbisyong medikal at karapatang maka-communicate ng mga kaanak sa pamamagitan ng ON-LINE BISITA sa panahon ng pandemya pati na ang kumpletong hygiene o kalinisan ng katawan sa kanilang karsel kaya siya sinasaludugan ng human rights groups.dahil sa kanyang makataong alituntunin.

“Ang Lungsod ng Meycauayan ay isa sa itinuturing na pinaka-mapayapa at pinaka-maayos na lunduyan sa lalawigan dahil sa 24 -oras na presensiya ng mga alagad ng batas sa kumpas ni Hepe Pagaduan”, pahayag ng isa sa pinakamalapit at nakakikilala sa kanya nang husto na si businessman/ sportsman Ninong Armand Quimirista ng Golden Dale Foods.

Mapalad ang mga Meycauayeños sa pagkakaroon ng hepe na gumabay sa prosperidad ng kanilang lungsod katuwang ang kanilang LGU dahil ang peace and order ang tunay na susi ng asenso dahil sa no- holds-barred na pamunuan ni Hepe Pagaduan ayon pa kay Quimirista- dating basketbolista ( commercial)mula Tondo-Binondo sa Maynila hanggang naging matagumpay na negosyente sa Kamaynilaan na nag-expand pa sa Toronto,Canada .

Ang batang Pagaduan noon na kanyang inaanak ay sobrang close sa mga Marcos mula dating Pangulong FEM(partikular ang kanyang ama) at ngayon kay ex-Senator Bongbong Marcos(BBM) – isa sa frontrunning presidentiable ayon sa mga surveys o pulso ng bayan.

Sa kasalukuyan, pokus si Hepe Pagaduan na paglingkuran ang mamayan ng Meycauayan 24/7 at kung darating ang panahon na kailangan na siya ng sambayanan sa buong kapuluan at nasyunal na aspeto ay tadhana ang tanging guguhit ng kanyang kapalaran partikular sa pambansang Kapulisan…ABANGAN!!

Lowcut: Si Chief PLt Col Pagaduan ay tunay ngang walang kapaguran dahil kasama sa kanyang paglilingkod ang manguna sa pagbahay-bahay sa mamamayan ng lungsod upang mamigay ng ayuda at personal na mag-abot sa mga apektadong kalungsod.Tunay na LINGKOD-BAYAN!Para sa reaksiyon, kumontak sa cp #09199845253

The post WALANG KAPAGURAN SI HEPE PAGADUAN NG MEYCAUAYAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
WALANG KAPAGURAN SI HEPE PAGADUAN NG MEYCAUAYAN WALANG KAPAGURAN SI HEPE PAGADUAN NG MEYCAUAYAN Reviewed by misfitgympal on Setyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.