USAPIN sa hinay-hinay na pag-usad ng professional sports sa gitna na pandemic ang usapin na hihimayin at tatalakayin ng mga eksperto sa kalusugan at resource person mula sa iba’t ibang liga at sports organization sa idaraos na 3rd Professional Sports Summit ng natataging ahensiya ng pamahalaan sa professional sports sa Setyembre 29 via Zoom.
“Mahigit dalawang taon na po tayong nakikipaglaban sa pandemya at lahat naman po ng sektor maging ang professional sports ay lubhang naapektuhan. Ang COVID-19 ay problema ng buong mundo hindi lang ng Pilipinas kung kaya’t higit kailanman kailangan natin ang pagkakaisa at pagtutulungan para makaagapay tayong lahat,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.
“Libre po ang itong virtual sports summit natin sa ikalawang pagkakataon. Malaking bagay po ito para maunawaan ng lahat, higit ng ating mga atleta, organizers at sports enthusiast ang pangangailangan na makapagpatuloy ang ating propesyon na hindi malalabag ang health and safety protocol ng pamahalaan,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.
Para sa mga nais makiisa at makilahok sa virtual summit, magparehistro sa https://ift.tt/3lnaycb o makipag-ugnayan sa GAB Office: Tel. (+632) 840 0274 & (+632) 813 7109.
Tema ng Summit na mapapanood via livestreaming sa YouTube at FB page ng GAB ay “Professional Sports through the Pandemic, the Now and Future Directions”.
Kabilang sa inanyayahan na maging resource speakers sina Department of Health (DOH) Asec and Infectious Disease Specialist Dr. Eric Tayag; Senate Committee on Youth and Sports Chairman Sen. Bong Go; Senate Committee on Women’s Welfare Committee Sen. Pia Cayetano, Senator Joel Villanueva at House Committee on Sports head Cong. Jericho Nograles.
Magbibigay din ng kanilang karanasan at naging panuntunan sa pagpapatakbo ng kanilanbg mga liga ang mga kinatawan ng PBA (Eric Castro), 3×3 Pilipinas Chooks-to-Go (Mark Zambrano), NBL (Edward Aquino), WNBL (Rhose Montreal), Vismin Supercup (Chino Trinidad), PVL (Ricky Palou), PCAP (Atty. Paul Elauria), golf tournaments PGTI (Mohamed Shariz), PFL (Atty. Edwin Gastanez), at Ironman Triathlon (Mr. Wilfred Uytengsu).
Inaasahan ang patnubay sa boxing promotions nina JC Mananquil, Charlemagne Marban III at Dante Almario, gayundin ang iba pang stakeholders na sina Team Lakay Coach Mark Sanguiao, Ring Officials Brembot Dulalas, Marlou Neri, Atty. Danrex Tapdasan at Nicholas Banal; horse racing managers at officials, sa pangunguna ni Mr. Dino Lazatin.
Sentro rin ng usapain ang umaaribang E-sports, sa pamamagitan ni Marlon Marcelo, habang ibabahagi ng GAB ang mga naisakatuparang programa kabilang ang pagpapalawig ng libreng medical test, sa pakikipagtulungan ng DOH ang pagbili ng hematoma screening test na kaagad na nagamit ng ahensiya sa mga boxers na lumahok sa GAB-licensed boxing promotion ni Maria Laurita “Cucuy”Elorde sa Urdaneta Sports and Cultural Center, Pangasinan. (Danny Simon)
The post HIMAY AT TALAKAY SA BUHAY- PROS ANG PAKAY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: