Facebook

Mga kabiguan ni Pangulong Digong

DROGA at korapsyon.

Ito ang malaking kabiguan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang gobyerno.

Ang promises na ito pa mandin ang dahilan kung bakit siya ibinoto ng mahigit 16 million Filipino noong 2016 na umasang mawakasan nga niya ang talamak na iligal na droga at korapsyon sa bansa.

Anong nangyari? Ang pangako niya noon na “3 to 6 months wala nang droga sa Pilipinas” ay naging panaginip nalang.

Oo! Sa kabila na napakaraming napatay sa inilunsad na “war on drugs” at pagkadamay ng maraming inosente, ang iba’y kabataan, may mga musmos pa, na kung tawagin ni Pangulong Digong ay “collateral damage”, talamak parin ang kalakalan ng mga iligal na droga partikukar shabu.

Kung dati ay sachet sachet lang ang nahuhuli, ngayon ay bulto-bulto na. Maraming salamat sa bagong pamunuan ng PDEA at PNP sa kanilang mahusay na pagtatrabaho.

Kung dati ay lokal lang ang nabibiling shabu, ngayon ay imported na. Wala na ngang shabu labs sa bansa (dahil naubos noong nakaraang administrasyon), pumalit naman ang drugs smuggling. Puros tatak Chinese ang mga high-grade shabu na nakalagay sa tea packs ang mga nahuhuli, kilo-kilo!

Ang pinakahuli ngang mga nahuli ay itong sa Zambales, Bataan at Cavite na umabot sa mahigit 800 kilos na nagkakahalaga ng mahigit P5 billion. Again, maraming salamat sa mahusay na pagtatrabaho ng PDEA at PNP under Director Wilkins Villanueva at General Guillermo Eleazar, ayon sa pagkakasunod.

Bago pa ito, higit P11 billion halaga ng shabu ang nasabat noon ng Bureau of Customs, PDEA at PNP sa isang warehouse sa Valenzuela City na nakapalaman sa roller ng printing machines.

Nahuli at nakilala ang mga responsableng nagparating ng naturang kontrabando, mga Chinese at ilang Pinoy. Worst! Ang mga taong ito ay pawang “friends” ng pamilya Duterte, base sa mga larawang ipinakita sa Senate inquiry ni noo’y Senador Antonio Trillanes. Walang nangyari sa kasong ito. Nakalaya ang mga Intsik, nakulong ang mga Pinoy.

Sumunod ay ang pagkasabat sa iron lifters sa loob ng compound ng Customs sa Maynila. Ilang bilyon din ang halaga ng shabu na nakuha rito. Mga Chinese din ang sangkot dito. Wala rin nangyari.

May mga nadiskubre ring iron lifters sa isang warehouse sa Cavite. Ayon sa PDEA, higit P11-B ang halaga ng shabu na hindi nila narekober dito dahil wala nang laman ang iron lifters.

Sa kuha ng CCTV sa paligid, ilang itim na SUV ang pumasok sa naturang warehouse. Pinaniniwalaang kinarga rito ang shabu.

Sa Senate inquiry, lumabas na mga Chinese din ang nasa likod nito. Ang naturang iron lifters sa Cavite ay bahagi ng iron lifters na may lamang shabu sa compound ng Customs sa Maynila.

Ang Police Colonel na si Eduardo Acierto na naging resource person sa pagkakadiskubre sa iron lifters sa Cavite ay tinanggal at wanted ngayon, nang idawit nito ang pangalan ng mga Chinese na malapit kay Pangulong Duterte, si Michael Yang na noo’y economic adviser ng Pangulo.

Sa korapsyon naman, bilyon bilyong piso na ngayon ang pinag-uusapan, hindi na milyones tulad ng mga nakaraang administrasyon.

Tulad ng 2020 audit report ng Commission on Audit, halos lahat ng ahensiya ng gobyerno ay nilagyan ng “red flag” dahil hindi malaman kung saan napunta ang pondo, overpriced, mali ang paggamit, etcetera etcetera…

Sa Department of Health lang, malulula ka sa mga pondong napunta sa katiwalian, ayon sa CoA report at sa Senate inquiry.

Sa Philhealth, bilyones ang missing. Pero walang nakulong, pinag-resign lang ang mga opisyal, inabsuelto pa ni Duterte.

Ito ang kabiguan ni Digong sa kanyang admin. Mismo!

The post Mga kabiguan ni Pangulong Digong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga kabiguan ni Pangulong Digong Mga kabiguan ni Pangulong Digong Reviewed by misfitgympal on Setyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.