Facebook

TAGUIG CITY GOV’T, NAMAHAGI NG ‘EDUCATION PACKAGE’ SA 8,050 MAG-AARAL NG TIS

SINIMULAN na ng pamahalaang lokal ng Taguig City ang pamamahagi ng school supplies at modules para sa mga mag-aaral sa unang araw nang pagbubukas ng klase sa Taguig Integrated School (TIS) na matatagpuan sa barangay Sta. Ana, ng nasabing lungsod, nitong Lunes.

Pinangunahan ni Jorge Tizon, chief education supervisor ng Taguig ang ceremony kung saan ay complete set ng school supplies at school uniforms ang natanggap ng mga papasok sa unang araw ng opening of classes.

Ayon kay Tizon ang New Normal Education Package (NNEP) ay naglalaman ng mga bag, school uniforms, shoes, raincoats, modules, supplies, emergency bags at emergency kit na magagamit sa Hybrid Modular Distance Learning modality ng Taguig City.

Ang inisyatibo ng Taguig City Government ay naglalayong mas hikayatin pa ang mga Taguigeño students na makamit ang kanilang mga pangarap sa gitna nang nararanasang COVID-19 pandemic.

Ang TIS ay may 256 na mga guro na may kabuuang 8,050 enrollees mula kinder hanggang senior high school kung saan inaasahang madagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Naniniwala naman si Taguig City Mayor Lino Cayetano na sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pinaka kalidad na edukasyon sa higit walong libong mga mag aaral ng integrated school ng Taguig ay magiging maayos ang kanilang kinabukasan kahit nasa gitna ng kinakaharap na pandemya. (Jojo Sadiwa)

The post TAGUIG CITY GOV’T, NAMAHAGI NG ‘EDUCATION PACKAGE’ SA 8,050 MAG-AARAL NG TIS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TAGUIG CITY GOV’T, NAMAHAGI NG ‘EDUCATION PACKAGE’ SA 8,050 MAG-AARAL NG TIS TAGUIG CITY GOV’T, NAMAHAGI NG ‘EDUCATION PACKAGE’ SA 8,050 MAG-AARAL NG TIS Reviewed by misfitgympal on Setyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.