Facebook

Patapon

MAHINANG klaseng abogado si Herminio Roque Jr. (iyan ang tunay niyang pangalan). Sa kanyang limitadong pag-iisip at interpretasyon, nilabag ang batas ng taong naglabas ng video clip kung saan nakita siyang binubunganga ang lider ng mga doctor na humaharap sa mga pasyente na tinamaan ng pandemya. Sa kanyang nakakatawang akala, ipinahayag umano ng naglabas ng video ang lihim ng estado. “State secret ang ibinunyag,” aniya.

Napahalakhak kami ng malakas sa tinuran ni Herminio. Anong lihim ng estado ang ibinunyag ng video? Hindi sinabi sa video ang brand ng kayang underwear, o ang marka ng pulbos na inilagay niya sa kilikili niya, ayon sa kaibigan Ba Ipe. Masyadong binibigyan ng importansya ni Herminio Roque ang sarili kahit hindi naman siya ganoon kahalaga.

Mabuti na sumagot si Theodore Te, isang matinong abogado na kinikilala at iginagalang sa larangan ng batas sa bansa. Sinabi niya na walang sikretong ibinunyag sa pagtatalak ni Herminio Roque Jr. sa lider ng mga manggagamot. Guni-guni lang ni Herminio na may sikreto ng estado na nabunyag sa kanyang pagtatalak.

Nabalatan si Herminio ng buhay. Mas maigi na tanggalin siya bilang tagapagsalita ni Duterte. Maganda na alisin siya sa line-up na tatakbong senador 2022. Walang panalo si Herminio. Mabigat ang dugo sa kanya ng mga botante. Patapon si Herminio Roque Jr.

***

PANAHON na para baguhin ang curriculum ng mga eskuwelahan ng bansa at repormahin ang sistema ng edukasyon upang maging bahagi ang voters’ education sa mga subject ng mga mag-aaral sa paaralan. Kung si Alex Lacson, manananggol at may-akda ng ilang aklat at kasama ang isang nobela, ang masusunod, nais niya na isama ang voters’ education sa mga subject ng Grade 10 ng bansa. “Kung may matinong kalihim ang Deped, maaari itong isama sa mga education reform,” ani Alex Lacon sa panayam ni Jun Urbano, aka Mr. Shooli.

Nais ni Lacson na ituro sa mga mag-aaral ang masamang epekto ng pagkakaroon ng maraming pulitiko na kabilang sa matatawag na dinastiya pulitikal. Para kay Lacson, kinakakatawan ng mga malalaking pamilyang pulitikal ang tinawag niyang “makasariling liderato” na nagsisilbing ugat ng kanser panlipunan ng bansa. Kasama sa masamang liderato ang malawakang korapsyon, aniya.

Iminungkahi ni Lacson ang paghalal sa isang kandidato o president na talagang kontra sa mga political dynaty. Ito ang isang mabisang paraan para mabawasan ang pangingibabaw ng mga pamilyang pulitikal sa bansa. Kapag nahalal ang presidente na tunay na kontra dinastiya pulitikal, mababawan kahit paano ang mga pamilyang iyan, aniya.

***

MAY panukala si Alex Lacson kung sino ang mga dapat at hindi dapat iboto sa 2022. Hindi dapat ihalal ang mga kandidato na kabilang sa mga political dynasty. Huwag isugal ang kinabukasan ng bansa sa mga kandidatong galing sa malalaking pamilya, aniya. Huwag rin iboboto ang sinumang kandidato na may bahid ng korapsyon. Delikado.

Iminungkahi ni Alex Lacson na ihalal ang mga kandidato na may programa kontra kahirapan. Isang malaking problema ang malawakang kahirapan kaya dapat may programa ang mga kandidato upang mabawan iyan, aniya. Problema rin ang pandaigdigang pag-init ng panahon, o global warming. Kaya marapat ihalal ang mga kandidato na may mga programa sa global warming, aniya.

Higit sa lahat, dapat suriin mabuti ng bawat botante ang mga kandidato na haharap sa bayan. Maiging itanong: Mas mahal ba niya ang Tsina o ang Filipinas? Kapag may duda sa katapatan ng kandidato, huwag siyang ihalal. Tanging ang mga kandidatong mahal ang Filipinas ang dapat ihalal sa 2022. Hindi silang mga alagad ng Tsina.

* **

May isinulat ang aming kaututang dila na si Roly Eclevia. Pakibasa:

I cry for my hometown
Candelaria the Beloved

It was reported a few days ago that methamphetamine hydrochloride, more popularly known as shabu, worth P3.4 billion was recovered by PNP and PDEA operatives, after a shootout in which four Communist Chinese drug smugglers were killed.

The incident took place at a beach resort in Candelaria, Zambales. It now turned out that authorities had previously found substantial amounts of illegal drugs in Libertador and Sinabacan, two barrios facing the West Philippine Sea.

No malice intended, but Provincial Governor Jun Ebdane was born and raised in the last mentioned barrio, where he in fact maintains his palatial residence complete with a helipad. He was also by the way PNP director-general, Defense secretary, and DPWH secretary under President Gloria Macapagal-Arroyo.

Until Rodrigo Duterte became president, the local police could only discover and confiscate drugs in sachets from time to time, mostly from students on vacation after a brief sojourn in Manila.

Now Chinese drug syndicates in cahoots with law enforcement authorities make the town the transshipment point of hundreds of thousands of kilos if not tons of illegal drugs.

That is possible because the Chinese Coast Guard with Mr. Duterte’s acquiescence has taken over Bajo de Masinloc, only a few kilometers from shore, and made it off-limits to Filipino fishermen. No doubt this much drug can only be unloaded from one of the Chinese vessels.

Not only do the Chinese control the sea; they are inland to mine the mountains of Candelaria and the nearby town of Santa Cruz of nickel, and stripping them of their forest cover. As a result, the rivers are silted with mine tailings, rice lands buried in mud, the coastal water turbid.

Do not forget. It was Mr. Duterte and DENR Secretary Roy Cimatu who laid Zambales bare, and, indeed, the whole Philippines, to Chinese mining conglomerates.

I am from Candelaria. Not too long ago my townmates could travel in the dead of night all over town without fear. Nobody carried guns or even knives.

As an old-timer, I could not remember a single homicide case here.

Mr. Duterte and his government have turned this town into a drug distribution center, a hotbed of murder, robbery, and other forms of criminality.

The town was peaceful and beautiful. Not anymore.

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Patapon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patapon Patapon Reviewed by misfitgympal on Setyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.