Facebook

Hugpong para kay Sara

Umaasa ang citizens movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) na magpapa-ubaya na lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa 2022 elections.

Sa pulong balitaan kasunod ng launching ng HPS kahapon ng umaga, sinabi ng kanilang chairman na si dating Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario na marami ang nagnanais na tumakbo si Mayor Sara sa pagka-pangulo para sa halalan sa susunod na taon.

Nawa ay makita aniya ito ni Pangulong Duterte at irekonsidera na lamang nito ang kanyang pagkandidato sa pagka-bise presidente at kalimutan na ito.

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na iisa lamang sa kanilang pamilya ang tatakbo sa mataas na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

Kaya naman noong tinanggap ng kanyang ama ang nominasyon ng ruling party PDP-Laban bilang kanilang kandidato sa pagka-bise presidente, nagdesisyon si Mayor Sara na hindi na siya tatakbo sa pagka-pangulo.

Sa ngayon, mahigit 15,000 ang bagong supporters at chapter members ang nanumpa sa launching ng HPS.

Sinabi ni Del Rosario na mas marami pa ang nakikita nilang sasali sa kanilang hanay sa mga susunod na araw lalo pa ngayong pormal nang nailunsad ang kanilang grupo, na sumusuporta sa pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

Hindi natin mawari kung ang mga galawang ito sa Davao City at iba pang panig ng Mindanao at Kabisayaan ay isang istratehiya upang malito at mailigaw ang mga kalaban sa pulitika ng administrasyon.

Ayon sa ating mga sources, ang sunud-sunod na pagdinig ng Senado patungkol sa umano’y over-price sa pagbili ng PPEs ay isa lamang hakbang ng mga pulitikong nangangarap na mapuwesto sa poder at gumagawa ng demolisyon “in aid of legislation”.

Sa pinakahuling kaganapan sa Senado, di sumipot ang kontrobersiyal na kaibigan ng Pangulong Duterte na si Michael Yang sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Makailang beses na ring di dumalo si Yang matapos na ipatawag ng Senado sa isyu ng over-priced purchase ng PPes kuno.

May ilang senador ang iniuugnay naman ang presidential ‘amigo’ sa isyu ng iligal na droga sa Davao City.

Si Yang umano ang utak sa likod ng nadiskubreng clandestine shabu laboratory sa Davao noong 2016 kung saan milyong-milyong pisong shabu ang nakumpiska.

Kung ganitong napupunta na ang imbestigasyon ng Senado sa iba pang isyu laban sa mga Duterte, mukhang lumalabas talagang “in aid of elections” na talaga ang nangyayaring pagdinig at nagagamit ang bulwagan ng Senate of the Philippines sa ganitong pamamaraan.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Hugpong para kay Sara appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hugpong para kay Sara Hugpong para kay Sara Reviewed by misfitgympal on Setyembre 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.