Facebook

IKA-139 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA KYUSI

KAHIT binabatikos at binabato ng kung ano-anong akusasyon, nagpapatuloy ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahatid ng mga serbisyo, partikular sa pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap.

Noong Lunes, pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-139 Malasakit Center sa Quirino Memorial Medical Center in Quezon City.

Ang Malasakit Center ay ikinakalat sa iba’t ibang panig ng bansa para maserbisyohan ang mga mahihirap na may karamdaman, lalo ang mga nasa liblib na lugar, na walang pambayad sa pagpapaospital o pambili ng gamot.

Ang kabubukas na Malasakit Center sa QMMC ay pangsampu na sa Quezon City, kasunod ng nasa Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Philippine Orthopedic Center, and National Children’s Hospital.

Sa kanyang video message, sinabi ni Go na ang Malasakit Center ay pareho nilang pinangarap ni Pangulong Duterte dahil personal nilang nasaksihan na ang mahihirap na pamilya ay lalong napahihirapan sa paghingi lamang ng atensyon o tulong medikal dahil ang serbisyo sa maraming ospital ay hindi nila abot-kaya.

“Kaya noong naging Pangulo siya (Duterte) naglagay tayo ng Malasakit Center sa Cebu. Sinubukan muna natin, sinubukan natin hanggang more than 300,000 na po ang natulungan po sa Cebu,” ang gunita ni Go.

“At ngayon po’y naging Senador po ako, isinabatas po natin itong Malasakit Center tuloy-tuloy po ang pagbubukas ng Malasakit Center, batas na ito ngayon. So, lahat po ng mga DOH-run hospitals ay magkakaroon ng Malasakit Center at hindi po kami titigil kung papaano pa po makatulong sa mga kababayan natin,” idinagdag ng senador.

Si Sen. Go ang pangunahing nag-akda at nag-isponsor ng Republic Act No. 11463, mas kilalang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-aatas sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Department of Health na mag-establisa ng Malasakit Centers.

Ang iba ring pampubliko o lokal na ospital ay maaaring maglagay ng sariling Malasakit Center basta naaabot nito ang standard set of criteria sa ilalim ng batas bukas sa kayang garantiyahan na masusustina ang operasyon ng Center.

Ang RA 11463 ay isa sa priority bills ni Senator Go bilang bahagi ng kanyang commitment sa pagiging chairman ng Senate Committee on Health and Demography na maisaayos ang public health delivery sa mga nangangailangan.

“Wala na po akong nakikitang dahilan na hindi natin matulungan at masuportahan ‘yung mga mahihirap nating mga pasyente.”

“Napakahirap maging mahirap, lalung-lalo na po sa panahon ngayon na wala po silang matakbuhan. Ayaw ko pong mangyari na naghihingalo po ang ating mga kababayan na wala silang matakbuhan po,” ayon kay Go.

“The more Malasakit (Centers) na puwede nating buksan, mas mabuti po at pakiusap ko lang naman sa susunod na administrasyon, kung sino man po ang papalarin ay sana po’y ipagpatuloy ninyo ang mga programang magaganda, nakakatulong naman po sa mga kababayan natin sana po’y ipagpatuloy ninyo,” ang hiling ni Go.

Matapos ang event, namahagi ang grupo ni Go ng grocery packs, meals, masks, face shields at vitamins sa 359 patients at 1,928 medical frontliners. Ang mga kinatawan naman ng Department of Social Welfare and Development ayt nagbigay ng financial assistance sa mga pasyente at 878 rank-and-file hospital employees.

Pinasalamatan ni Senator Go sina Mayor Joy Belmonte, Rep. Allan Benedict Reyes, Office of the President Assistant Secretary Girlie Veloso, Office of the Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino, Dr. Evelyn Victoria Reside at iba pang local sa patuloy na pagsuporta sa mga programa ng gobyerno na makatulong sa ating mga kababayan.

The post IKA-139 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA KYUSI appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
IKA-139 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA KYUSI IKA-139 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA KYUSI Reviewed by misfitgympal on Setyembre 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.