HINDI nakadalo nitong lunes sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kahapon hinggil sa overpriced na medical supplies si dating presidential economic adviser Michael Yang.
Ayon sa abogado nito na si Atty. Raymund Fortun, kinakailangang magpahinga ni Yang matapos tumaas ang blood pressure.
Dahil dito, pinayuhan ng mga doktor si Yang na manatili na lamang sa kaniyang bahay.
Magsusumite naman si Fortun ng medical certificate bilang patunay sa kaniyang paliwanag hinggil sa naging dahilan ng hindi pagdalo ng kaniyang kliyente sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.
Samantala humingi naman ng paumanhin si dating Presidential Economic Adviser at businessman na si Michael Yang at nangakong makikipagtulungan at haharap na sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Nakasaad ito sa liham na isinumite kay Committee Chairman Senator Richard Gordon ng kanyang abogado na si Atty. Raymond Fortun.
Base sa liham, sa mga balita lang sa pahayagan nalaman ni Yang na may ipinadalang subpoena sa kanya ang Senado para paharapin siya sa pagdinig.
Bagama’t hindi raw natanggap ni Yang ang naturang subpoena ay nangako itong makikipagtulugnan sa Senate hearing kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced na face mask, Personal Protective Equipment (PPE) at iba pang medical supplies ng Procurement Service of the Department of Budget ang Management (DBM).
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Michael Yang, ‘di nakadalo sa pagdinig ng Senado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: