MARSO pa lamang, natatandaan ko ay ibinahagi ko na sa pitak na ito na di malayong mangyari ang tambalan ni Senador Bong Go at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang pinaka-matinding tandem para sa halalan 2022.
Kung sa anim na taon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay laging nakaalalay sa kanya ang magiting at pinagkakatiwalaaang kaibigan na si Bong Go, sa darating na halalan, kabaligtaran na ang mangyayari, si Senador Bong Go na ang aalalayan ni Pangulong Duterte bilang kanyang pangalawang pangulo o bise-presidente. Kapag ito ay nagtuloy-tuloy hanggang sila ay manalo sa eleksiyon, napakaganda ng idudulot nito para sa bansa.
Una, maipagpapatuloy ni Sen. Go ang lahat ng di pa natapos o maiiwang mga proyekto at programa ni Pangulong Duterte, gaya na lamang ng ‘Build, build, build’ projects na siyang magpapaunlad sa ating bansa.
Pangalawa, ang naumpisahang proyekto ni Go na pagpapakalat ng mga “Malasakit Center”, bukod sa hindi ito mawawala kapag siya ay naging Pangulo na, ay siguradong madadagdagan pa at palalakasin ni Go dahil ito ang kanyang “pet project” magmula ng siya ay napunta sa Malacañang at naging senador matapos ang tatlong taon na paglilingkod.
Dahil alam ng butihing senador ang kalagayan ng marami nating kababayan. Ang pagkakasakit ng isang miyembro sa pamilya ay napaka-laking dagdag problema sa bawat ordinaryong Filipino. Ang Malasakit Center na itinatag at isinulong ni senador Go ang kaagapay nila sa pagpapagamot.
Dalawa lang muna ang ibibigay ko sa inyong kaparaanan na ibubunga ng tandem ng “Go-Duterte” sa halalang darating sa susunod na taon. Dahil ako’y naniniwala na ito ang tamang tambalan para sa ating bayan at para ating lahat upang gumaan-gaan ang ating pamumuhay sa susunod na anim na taon pa.
Ito rin ang paniniwala ng mga miyembro ng partidong PDP-Laban na kinabibilangan ng ating kandidato. Sila rin ang piniling pambato ng partido sa nakaraang convention nito kamakailan lamang, dahil alam ng mga miyembro nito na ang “Go-Duterte” tandem ay mahirap ng talunin sa halalang 2022.
Naniniwala ang PDP-Laban members na ang kanilang piniling pambato sa susunod na eleksiyon ang magpapatuloy ng mga prinsipiyong sinusulong din ng partido para sa ikabubuti ng bansa.
Hindi nga naman sila pipili ng kandidato sa pagkapangulo at bise-presidente ng walang kakayahan. Ang tambalang “Go-Duterte” para sa nakararaming miyembro ng PDP-Laban ang siyang nararapat na papalit sa dalawang pinaka-mataas na posisyon sa bansa.
Ang tambalang”Go-Duterte” ay para sa bawat Filipino at sa bayan.
The post Go-Duterte-Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: