Facebook

Julia walang pinagsisihan sa nakaraan; Jao tinuruan sa love scenes ng mas batang kapareha

Ni WALLY PERALTA

NOONG nagsisimula palang sa showbiz si Jao Mapa, bilang isang teenstar, una siyang sinalang sa isang sexy drama movie at katambal niya ay ang much older sa kanya na si Rossana Roces para sa pelikulang ‘Matrikula’.

Pagkatapos ng mahigit dalawang dekada ay si Jao naman ang much older sa kanyang baguhang kapareha sa sexy drama movie na ‘Paraluman’, na si Rhen Escano.

By this time, bumaligtad na ang tanungan kay Jao. Ano kaya ang pakiramdam ngayon ni Jao na halos doble ang agwat ng edad niya at may mga love scenes pa sila ni Rhen?

“Okay naman ang naging working relationship namin kasi very professional siya and she’s a very good actress. She knows her craft and she’s very dedicated sa trabaho niya so walang naging problema kahit sa love scenes namin.

“Siya pa nga nagtuturo sa’kin kasi matagal akong nawala. It also helps that Rhen and I have the same manager, Tita Aster Amoyo.”

Aminado rin si Jao na sa tagal niyang ‘di gumawa ng pelikula ay nanibago siya pagdating sa aktingan. Tila kinalawang ang angking galing ni Jao sa acting.

“Medyo nanibago ako nung una kasi ngayon lang ako uli nakagawa ng pelikula. I left showbiz then  went back to my studies at nakatapos ako ng fine arts sa UST. I started selling my paintings and it helped me put food on our table.

“But now, niloob ng Diyos na makabalik ako at during the shoot, madalas, nawawala ako sa character ko so our director, Yam Laranas, has to keep on reminding me to stay with my character,” dagdag na say pa ni Jao.

***

ILANG taon na rin naman ang nakalilipas nang gumawa ng isang serye si Julia Barretto at sa dating mother network  pa niya nagawa ito. Matagal-tagal din naman nabakante si Julia kaya sa muling pagbabalik-serye ng young actress ay super happy siya plus may bonus pang dalawa  na ngayon ang kanyang leading man sa katauhan nina Marco Gumabao at Marco Gallo, ang “Di na Muli” na magsisimula nang mapanood every  Saturday night on TV5 starting September 18. Bukod sa dalawang Marco ay makakasama rin ni Julia  sa naturang serye sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Baron Geisler, Liz Alindogan, Lander Vera Perez, Katya Santos, ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana sa kanyang kauna-unahang  teleserye at marami pang iba.

At nang matanong si Julia na may kaugnayan sa titulo ng kanyang comeback serye, ano kaya ang isang bagay ang di na muling gagawin ni Julia, given a chance?

“Wala kasi I dont believe in regrets as I’m grateful for what I am right now. I’m happy and contented. Kung meron man, siguro yung nagpaalam ako sa lolo ko before he passed, kasi napakasakit magpaalam sa isang mahal mo sa bahay,” ani Julia.

Hindi na rin nagkuwento pa si Julia ng bagay hinggil naman sa kanyang lovelife. Open book naman kasi ang pagmamahalan nila ngayon ng boypren na si Gerald Anderson. Wala yatang araw sa loob ng isang linggo na hindi magkasama ang dalawa.

Kahit pa lockdown tapings ay nandun si Gerald. Remember noong kasagsagan ng lock-in tapings ni Julia ay pumunta si Gerald sa labas ng set ng nobya at matiyagang nag-antay doon?

The post Julia walang pinagsisihan sa nakaraan; Jao tinuruan sa love scenes ng mas batang kapareha appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Julia walang pinagsisihan sa nakaraan; Jao tinuruan sa love scenes ng mas batang kapareha Julia walang pinagsisihan sa nakaraan; Jao tinuruan sa love scenes ng mas batang kapareha Reviewed by misfitgympal on Setyembre 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.