Ni WALLY PERALTA
‘IKA nga for a single mom with two kids, moving on na lang ang byuti ni LJ Reyes and enough na ang pa-emote emote ng kung anik anik na post with regards sa mainit-init pang break up issue with former partner and father of her youngest child, si Paolo Contis.
After niyang magkomento sa hiwalayan blues nila ni Paolo ay iba na ngayon ang nilalaman ng kanyang mga social media account. At dahil nasa Amerika ngayon si LJ ay tutok na muna sa online selling of her own cosmetics products Wonder Jane ang aktres.
Dahil need ng financial income para sa mga anak, tutok na muna si LJ ngayon sa pagpro-promote ng sariling cosmetics bisnes. Andyan yung pagsali niya sa isang malaking event ng isang online store platform, ang Shopee, where there is free shipping for WonderJane products.
Buong pagmamalaki pang sinabi ni LJ na ang kanyang produkto na ginamit para sa sanitizer at mga cleanser ay non-toxic and the products are FDA-approved.
Samantala, habang bisi sa online business si LJ, si Paolo naman ang naglabas ng kanyang saloobin. Ani aktor, sa kanya na lang ibuhos ang lahat ng pamba-bash at wag sa kanyang pamilya. Dagdag pa rito ay kakausapin niya raw personally at masinsinan si LJ para sa pangangalaga ng kanilang anak. Nais din kasi ni Paolo na minsan ay nasa sa kanya ang anak kay LJ.
At sa takbo ng pangyayari, mukhang malabo pa sa sabaw ng pusit ang hangad ng ilang malalapit na kaibigan ng dalawa para sa isang reconciliation, sa malapit na hinaharap.
***
AMINADO ang beauty queen turned actress na si Kylie Versoza na ni-launch into sexy image via the Pinoy adaptation ng Korean movie na ‘The Housemaid’ ng Viva Films, na bukod sa kabado siya sa first lead role movie niya ay kabado rin siyang makaharap ang mga batikang aktor na sina Jaclyn Jose at Albert Martinez na kapwa kasamahan niya sa naturang pelikula.
Nakarating kasi sa kaalaman ni Kylie na maselan si Jaclyn sa kanyang mga kasama sa pelikula lalo na sa makakaharap niya sa eksena. Sa katulad na baguhan na si Kylie ay sadyang pinaghandaan daw niya ang paghaharap nila ni Jaclyn for the first time sa ‘The Housemaid.’
“’Yung kay Miss Jaclyn, dapat lagi akong handa and hindi ako puwedeng mag-take two. Puwede siya, pero ako, hindi talaga puwede. Si Miss Jaclyn, very quiet lang siya, but at the same time, sasabihin niya rin if you did a good job sa role mo or not. With Miss Jaclyn, gaya ng sabi ni Louise delos Reyes, prangka talaga siya. Kung hindi ka magaling, sasabihin niya talaga. ‘Gawin mo ito, galawin mo ito’,” saad ni Kylie.
So paano siya naging prepared humarap sa isang Ms. Jaclyn Jose?
“Ako kasi, very observant ako, so rehearsal process, sometimes tinitingnan ko lang talaga siya. Ganoon ako, parang that’s when I get information. Sabi niya, ‘O, huwag mo akong tingnan. Galaw ka naman.’Yun ang small instances na natututo ako sa kanya.
Kapag nagtsitsika naman kami in between scenes, just by observing her, the way she prepares, nakikita niya lahat, ‘find your light.’
Yun ang iba-ibang ways na sobrang na-admire ko talaga siya. Every time we’re in the scene together, parang I can’t believe I’m here,” dagdag pang say ni Kylie.
The post Paolo at LJ malabo nang magkabalikan; Kylie kinabog kina Jaclyn at Albert appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: