Facebook

Parañaque City Government, nanawagan sa mga residente na kubrahin na ang kanilang mga hindi nakuhang “ECQ Ayuda”

Hinimok ng Parañaque City government ang mga residente na kuhanin na ang kanilang ECQ ayuda dahil binigyan na lamang nila ng hanggang Lunes, September 6 ang mga residente para kubrahin ng mga hindi pa nakukuhang ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Parañaque City PIO Head Mar Jimenez, bagama’t halos kumpleto na ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang lungsod, may ilan pang benepisyaryo rin umano ang hindi pa rin kumukuha ng kanilang ayuda.

Paliwanag ni Jimenez na mayroon pang nasa 800 mga benepisyaryo ang hindi pa nakakakakuha ng kanilang ayuda kaya hindi pa sila makapagsimula ng liquidation na kanilang isusumite sa national government.

Dahil dito, nanawagan na ang local na pamahalaan ng Parañaque sa kanilang mga residente na kuhanin na ang mga natitirang ECQ ayuda.

IMBESTIGASYON SA ANOMALYA SA TUPAD PROGRAM SA QC, SUPORTADO NI MAYOR BELMONTE
Samantala suportado naman ng Quezon City Government ang imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa natuklasang iregularidad ng pamamahagi ng cash assistance sa ikalawang distrito ng lungsod ng Quezon.

Kasunod ito ng implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, dapat mapanagot ang utak sa likod ng panlolokong ito sa mga residente.

Nabatid na agad inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III si DOLE National Capital Region Director Sara Buena Mirasol na imbestigahan ang reklamo ng ilang benepisyaryo mula sa Barangay Holy Spirit sa halip na makakatanggap ng P7,518 bawat isa ay binigyan lamang sila ng P2,000.

Sabi pa ni Belmonte na bukod sa DOLE, mag-iimbestiga rin sa kaso ang Presidential Anti-Graft Commission, Presidential Anti-Corruption Commission at Commission on Audit.

***

HAPPY 55TH BIRTHDAY SIS HELEN GRACE BULA ALAM, WISH YOU ALL HAPPINESS AND GOOD HEALTH, MORE BIRTHDAYS TO COME, SIYEMPRE!!! CHEERSSSSS! #STAYSAFE

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Parañaque City Government, nanawagan sa mga residente na kubrahin na ang kanilang mga hindi nakuhang “ECQ Ayuda” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Parañaque City Government, nanawagan sa mga residente na kubrahin na ang kanilang mga hindi nakuhang “ECQ Ayuda” Parañaque City Government, nanawagan sa mga residente na kubrahin na ang kanilang mga hindi nakuhang “ECQ Ayuda” Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.