Facebook

Petsa ng kasal naging araw ng libing

SANTIAGO CITY – Napuno ng dalamhati ang dapat sana’y araw ng kasal ng magkasintahan sa bayang ito sa Isabela, nitong Huwebes.

Setyembre 2 ang itinakdang civil wedding nina James Edem at Angela Durias, pero namatay si Edem nang atakihin ng asthma noong Aug. 25.

Ayon kay Durias, hindi niya inaasahan ang pangyayari.

“Hindi ito ang in-imagine kong mangyayari sa araw ng kasal natin. Maraming araw kitang nakikitang napapagod, Daddy, pero ‘di kita nakitang sumuko. Ngayon lang,” sabi ni Durias.

Nitong Huwebes, Set. 2, dapat ay araw ng kanilang kasal, isinagawa ang paglibing kay Edem.

“Alam kong may plano ang Panginoon para sa atin, lalong-lalo na para sa mga anak natin… Alam naming anghel ka na namin ngayon,” sabi ni Durias.

Ayon sa photographer na si Louie Bulalayao, Pebrero 2020 pa nagpa-book sa kaniya ang magkasintahan para sa coverage ng kanilang church wedding sana noong July 18, 2020.

Pero naurong ng ilang beses ang kasal hanggang nagplano nalang sila ng civil wedding dahil sa mga restriction bunsod ng sitwa- syon sa Covid-19 pandemic.(Rey Velasco)

The post Petsa ng kasal naging araw ng libing appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Petsa ng kasal naging araw ng libing Petsa ng kasal naging araw ng libing Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.