Facebook

Kotse ng doktora nakaladkad ng tren

NAHAGIP ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila ang isang sasakyan, 7:50 ng Huwebes ng gabi.

Sakay ng kotse na Honda CRV ang babaeng doktor na si Melly Yeo Santiago, 68 anyos, residente ng 22 1st St., New Manila Valencia Quezon City.

Ayon kay Barangay 474 chairman Carlo Diokno, nangyari ang aksidente sa bahagi ng Piy Margal corner Algeciras.

“Noong pumapatrol kami may narinig kami na bangga na nagmula sa riles. Malakas ang tunog, rumisponde agad kami. Pagkakita namin sasakyan. Nakaladlad iyong sasakyan, noong nagda-drive,” ani Diokno.

Isang senior citizen na babaeng doktor ang driver ng kotse na galing sa duty sa Chinese General Hospital.

“Hindi raw niya napansin dahil madilim. Wala pong barrier, tao lang po ang nagpapa-stop. Hindi po napansin ng driver,” dagdag pa ni Diokno.

Tumanggi magpa-intervew ang naturang doktora, pero sabi ng taga barangay, maayos naman ang kundisyon nito at hindi na nagpahatid sa ospital.

“Iyong doktor nakaramdam ng pananakit ng batok at shoulder, pero okay naman siya.

Nakatayo naman po siya,” ani Diokno.

Rumesponde rin sa aksidente ang marshal ng PNR at mga pulis. (Jocelyn Domenden)

The post Kotse ng doktora nakaladkad ng tren appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kotse ng doktora nakaladkad ng tren Kotse ng doktora nakaladkad ng tren Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.