Facebook

Tubig sa creek sa QC minsan kulay dugo, minsan parang gatas

ILANG buwan makaraang magkulay dugo ang tubig sa isang creek sa Quezon City, ngayon naman ay kulay gatas ito.

Sa ulat nitong Huwebes, sinabing noong July 27 nang makitang naging kulay pula ang tubig sa creek sa Barangay Bahay Toro.

Nitong Miyerkules naman nang mapansin ang pagiging kulay gatas ng tubig.

“Nakaka-kaba po kasi once ko lang siya nakita simula nung ano dito. Isang beses ko palang siya nakita simula nung dumating kami dito,” ayon kay Joan Manlapaz.

Napansin din ng mga residente na tila may langis ang tubig.

Kinagabihan ng Miyerkules bumalik na sa normal ang kulay ng tubig sa creek.

“Nitong March po nag-iba-iba. May kulay violet, kulay green, tsaka kulay black. Sabi lang nung mga bata, ibang kulay na naman. Eh di tingnan namin. Ganon lang po, parang sanay na kami,” sabi ni Victoria Berza.

Ini-report na ng pamunuan ng barangay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang insidente.

Kumuha narin ng sample sa tubig pero ginawa ito sa panahon na normal na ang kulay ng tubig.

The post Tubig sa creek sa QC minsan kulay dugo, minsan parang gatas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tubig sa creek sa QC minsan kulay dugo, minsan parang gatas Tubig sa creek sa QC minsan kulay dugo, minsan parang gatas Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.