KULONG ang sikat na Pinoy boxer sa pagmolestiya sa 14-anyos na babae sa Cebu City.
Ang boksingero ay si Albert Pagara, 27, residente ng Barangay Inayawan, Cebu City.
Sa report ng Cebu City Police Office, dinakip si Pagara matapos akusahan ng panggagahasa ng Grade 8 student na dalagita.
Sa ulat, 7:30 ng gabi ng Septyembre 1 nang arestuhin si Pagara ng mga barangay tanod sa pamamagitan ng citizens arrest (CITAR) sa Sitio Terra Dulce, Brgy. Inayawan.
Isinalaysay ni Police Lt. Colonel Wilbert Parilla, ang deputy director ng Cebu City Police Office (CCPO), na nakatulog ang biktima habang nagbabantay sa anak ng boksingero at nagising nalang ito nang hinipo ni Pagara ang pribadong parte ng katawan nito. Tinanggal ni Pagara ang romper dress nito at dinilaan ang dibdib ng dalagita at ipinasok ang daliri sa ari. Hindi na umano nakakilos ang biktima dahil sa takot.
Pagkatapos nito, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at agad nag-report sa mga awtoridad.
Nabatid na kapatid ng live-in partner ni Pagara ang biktima.
Tinurn-over si Pagara sa Pardo Police Station.
Si Pagara ay rated 7 sa World Boxing Organization (WBO) at maraming beses nang nagkaroon ng malalaking laban.
Sa ngayon, “no comment” pa ang boksingero sa nasabing alegasyon habang hinihintay ang kaso na isasampa ng kampo ng biktima.
Huling lumaban sa ibabaw ng ring sa Pagara noong December 18, 2020 kungsaan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Virgil Puton.
Mayroon siyang rekord na 33 panalo (23 knockouts) at 1 talo.
Nitong Hulyo, napabilang si Pagara sa listahan ng Games and Amusement Board (GAB) sa 40 Filipino boxers sa latest world rankings sa apat na major sanctioning bodies na WBC, WBA, IBF at WBO.
Kabilang din si Pagara sa limang Filipino fighters na nasa super bantamweight kahanay sina Mike Plania, Jeo Santissima, Marlon Tapales, at Carl James Martin.
The post SIKAT NA BOXER KULONG SA PANGMAMANYAK! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: